CHAPTER 03

498 25 2
                                    

Tw// suicide

|CHAPTER 03 |

"Ano na naman 'yang balak mo? Magpapakamatay ka na naman, pero 'di mo rin naman itutuloy?"

"'Wag kang mangialam sa 'kin." sambit ng babae habang umiiyak. Halos mamugto na ang kaniyang mata dahil sa pag-iyak.

Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdam ng awa sa kaniya. Kasi siyempre, siya naman ang may gusto na magpakamatay. More on, galit o inis. Kasi sinasayang lang niya ang buhay na binigay sa kaniya.

"Ano papanuorin mo 'kong mamatay?!" sigaw niya sa akin. Tapos ngayon, galit pa siya?

"Bakit may pa popcorn ka ba r'yan?" pilosopong sagot ko. "'Wag mo akong pansinin, sige lang. Ituloy mo ang gusto mo." ani ko. Kahit tumalon pa siya ngayon sa building na kinakatayuan niya ngayon ay hindi ako maaawa.

Mabait naman akong tao pero depende rin sa sitwasyon ang ugali ko at pakisama. Hindi ko naman siguro kasalanan na gusto talaga niyang magpakamatay?

Ilang sandali pa ang lumipas, hindi kumikibo ang babae at nanatili lamang siya sa pagkakatayo habang nakatunghay sa taas ng building na balak niyang talunin.

"Ano? Tutuloy ka ba o ano? Kanina ka pa riyan nakatayo." singhal ko. Medyo naiinip na ako.

Tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang hirap at pasakit. Sa pagkakataong ito ay may kung ano na nagpabago sa isip ko. Gusto ko siyang pigilan!

Okay lang ba siya? Bakit parang sobrang naghihirap siya?

"Bumaba ka na riyan." sambit ko matapos makita ang pasakit sa kaniyang mga mata. Hindi ko kakayaning makita siyang mamatay lalo na't nakita ko sa kaniyang mata ang sakit.

Humakbang ako ng isa, dalawa, tatlo at a-aapat

"Huwag!"

Huli na ang lahat. Tumalon siya.

Bakit?

Napabalikwas ako sa pagkakahiga matapos magising mula sa panaginip. Bakit siya tumalon?

Sobrang lakas nang pintig ng puso ko. Sobrang lakas na para bang may mga hayop na tumatakbo!

"Ate, bumangon ka na! Napakabatugan mo talaga!" sigaw ni Clan mula sa labas ng kuwarto ko. Tama ba ang narinig ko?

Batugan?! Ako pa talaga?! Sino ba ang ayaw maghugas ng pinggan at sino ba ang nag-iinarte na ayaw sa walang wings na napkin?!

Nawala ang kaba at takot ko nang tawagin akong batugan ng magaling kong kapatid.

"Bwesit ka talaga, Clan! Hindi ka na talaga makakagala, isusumbong kita kay mama."

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at iniluwal ang nakabusangot na mukha ng kapatid ko.

Alam ko talaga ang kahinaan niyan! Isang sumbong lang luluhod na 'yan.

"Ate naman, eh! Sorry na, please?" pagmamakaawa niya sa akin. Pinagdikit pa talaga niya ang dalawang palad at nag-puppy eyes, amp.

Tama, mukhang aso.

"Umalis ka nga riyan, panira ng araw 'yang mukha mo." wika ko sabay tulak ng mukha nito palayo sa 'kin kaya naman na out of balance siya kaya natumba.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now