"Clandrea, minsan ka lang bumisita sa Lola mo! Bakit ba ayaw mo?! Pasalamat ka nga't naaalala ka pa no'n. Sa dami ng apo niya, ikaw ang gusto niyang makita. Pero anong ginagawa mo?" iritadong singhal nito sa aking kapatid.Lumabas na ako ng kwarto. Nakauwi na rin sila Jem. Hindi na nga sila nagkita nila Mama.
Lalong bumusangot ang mukha ng kapatid ko. Pilit kasi siyang pinapapunta ni Mama kila Lola.
Sumingit na ako sa usapan nila. "Bakit daw ba siya pinapapunta ro'n, Ma?" tanong ko.
Lumingon sa akin si Mama, ngunit imbes na sumagot, tinalikuran na niya kaming dalawa.
Pumasok na siya sa trabaho.
Minsan talaga naiisip ko na may problemang tinatago si Mama. Ayaw nga lang niya sabihin.
Kakausapin ko sana si Clan na sumunod na lang pero tumayo na rin siya sa pagkakaupo at handa na sa pag-alis.
"Oh, saan ka?"
"May review kami, Ate.." walang ganang tugon nito. Walang pasabing tumalikod ito at kumaway.
"Mag-ingat ka, baka madapa ka mauna 'yang ilong mo. Text ka sa akin kapag may problema. Kapag pakiramdam mo may sumusunod sa 'yo sa daan, um-acting ka na parang may kausap ka sa cell phone na kapatid na sundalo tapos banggitin mo rin na Pinsan mo pulis, Tito mo abogado, at kapitbahay mo may-ari ng punerarya!" malakas kong bilin habang sumusunod sa kaniya palabas ng bahay.
"Baka gusto mong isama ko na rin na may kapatid akong maganda, swap na lang?" ngisi nito bago tumawa.
"Pass, gusto ko 'yong pahihirapan ako." ngumiti ako nang maalala 'yong crush ko sa convenience store, 'yong nahampas ng panyo ko.
"Baka mamaya gisahin ka sa sakit, sabihin mo naman aray," irap niya bago tuluyang umalis.
Kumain ako ng almusal at bumalik na lang muli sa kwarto. Wala na talaga akong balak maligo pa at lumabas.
Pinikit ko ang aking mata at sinubukang matulog.
Nagising ako nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng phone ko. Bakit ba hindi 'to naka-mute?
Kinuha ko ito sa side table at tiningnan. Ilang missed calls ni Lairca ang bumungad sa akin at ang iba ay messages ni Jem.
Wow! Anong trip naman 'to? Ang dami nilang missed calls at messages akala mo naman kung saan na ako pumunta.
Binuksan ko ang message ni Jem.
Jem Florence
Hoy, Achiemi! Bakit hindi mo sa amin sinabi 'yong nangyari sa school?!
Jem Florence
Ano ba kasi 'yong totoong nangyari? Ang gulo, eh. Kapag nakita mo 'yong video! Jusq.
Jem Florence
Ano na?! Pupuntahan ka na ba namin ni Lair? Nandito kami sa bahay niya. Pupunta na kami riyan.
Jem Florence
Hoy! Puwede ba kaming pumunta riyan ngayon? Lilinawin lang namin 'yong nangyari.
Jem Florence
Achie! Okay ka lang ba? Kalat na 'yong video. Anong gagawin mo? Kanina ka pa tinatawagan ni Lairca.
Ilan lang iyon sa mga messages niya. Ano bang meron? Nagulat ako nang makita ang oras sa Wall clock dito sa kwarto.
Ten pm
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...