| CHAPTER 01 |
"So, what is the difference between SEX and GENDER?" tanong ni Sir Dan, short for Danilo.
Isa lang 'yan sa mga tanong niya sa buong klase. Wala naman akong balak sumagot kasi hindi ako nakapagbasa man lang kagabi. Sabagay, hindi ko rin naman talaga gawain ang pagbabasa.
Mas okay kayang humilata maghapon habang nananaginip bilang isang Rich Hot Tita. Puwede rin 'yong naglalangoy ka sa swimming pool ng pera galing sa Sugar Daddy mo na last year lang namatay kaya single ka na ulit with fatty bank account.
"Miss Pantoja, anything?" tanong ni Sir kay Alexis, pinakatahimik sa section namin at pinakamatalino. Pero mas maganda ako.
Tumayo si Alexis, "Sex refers to the biological characteristics of being a boy or a girl as evidenced by the external and internal reproductive parts. While, Gender refers to the behavior and attitudes that are expected to be shown based on a person's Sex." mahabang paliwanag nito.
Napatango-tango rin ako kahit ang totoo'y wala naman akong naintindihan.
Napatango na lang si Sir at nagsimula na muling magtanong. Umupo na rin si Alexis.
Pakiramdam ko'y sobrang bagal ng oras kaya lumingon na ako kay Packy, gago kong kaklase. Sinitsitan ko ito at itinuro ang relo ng kalapit ko.
"Huh?" malakas niyang tanong. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil tumingin si Sir sa kaniya.
"Yes, Villanueva?"
Kumamot siya sa kaniyang ulo bago ako tinuro. Aba't sira ang ulo nito, ah!
"Sir, pagsabihan mo po si Achie panay ang pa-cute sa 'kin!"
Doon sa puwesto kong iyon, sa oras na iyon, at sa pagkakataong iyon mismo'y gusto kong isumpa ang kagaguhan ni Packy.
Mabilis lang natapos ang klase, puro si Alexis lang din ang sumasagot sa pamatay na tanong ni Sir Dan, eh. Habang kaming twenty-five students, tulala lang hanggang matapos ang klase.
Hindi naman ako papel para pumapel 'no! Kahit naman pati alam ko ang sagot sa tanong ni Sir ay hinding-hindi ako magtataas ng kamay. Nakakabawas ng angas 'yon.
Hindi muna ako bumaba dahil mag-isa kong tinahak ang patungong ikatlong palapag ng building namin upang dungawin ang crush ko. Kasama ko dapat ang best friend ko ngayon pero mahirap talaga kapag matalino, parating nasa office.
Yumuko ako sa may babasaging bintana ng room nila. Hindi pa sila tapos magklase kaya payapa ko siyang nasilip.
"Sulyap ka na, nahiya pa eh.." bulong ko habang malawak ang ngiti sa labi. Hindi ko naman siya sobrang crush dahil last week ko lang siya nakita.
"'Wag ngang magulo.." angal ko nang maramdaman na mayroong kumukulbit sa akin. "Tama na.." dagdag ko pero makulit talaga, eh. "Parang sira huwag—"
"Miss Fuerte." matigas na sambit ng Guro. Mabilis akong tumindig nang tuwid at parang batang tinungo ang ulo sa kahihiyan.
Buti na lang at hindi ko nasiko sa mukha!
Pasalamat na lang talaga at biglang may tumawag kay Ma'am Tanza na may dalang balita na marami raw nagrereklamo sa grade ten wisdom. Marami raw kasing binabagsak itong si Ma'am kaya marami ring naiinis.
Pero bago niya ako lubayan ay ginawaran niya muna ako nang tambak na sermon na kesyo raw puro gano'n ang ginagawa ko imbes na pag-aaral.
Dungaw lang naman, eh!
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...