CHAPTER 33

109 7 8
                                    

[Hello, Ach? Musta? May problema ba? Puntahan kita?] sunod-sunod nitong tanong dahilan upang hindi ako makasagot kaagad.

"Ano.. May ginagawa ka ba?" alangang tanong ko. Pinaglalaruan ko rin ang bato na nakita ko.

[Nanonood kami ng Favorite movie ni Mama. Bakit?] agap na sagot nito.

Umiling ako kahit alam ko naman na hindi niya makikita iyon. Hindi ko alam pero bigla na lang ako napahikbi.

[Hoy anong nangyayari sa 'yo? Umiiyak ka ba? Nasaan ka? Puntahan kita. Nasaan ka, Ach?] nag-aalalang tanong nito mula sa kabilang linya. Rinig ko rin ang bigla niyang pagtayo na gumawa ng ingay.

"H-Huwag na pauwi na rin naman ako. Nandito lang naman ako sa may bahayan." sagot ko kaagad.

[Hindi. Pupuntahan kita. Punta ka sa pinakamalapit na Convenience store at doon tayo magkita.] maawtoridad nitong sabi kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba sa bundok at naglakad patungo sa Convenience store malapit dito.

Hindi na ako nag-abala pang pumasok sa loob at mas pinili na lang umupo at maghintay sa labas. Mayroon namang lamesa roon.

Niyuko ko ang aking ulo sa lamesa upang hindi mapansin ng mga taong dumaraan ang aking paghikbi at pag-iyak.

Mayamaya'y naramdaman ko na ang kaniyang presensya sa 'king harapan. Umupo ito sa upuan kaharap ng puwesto ko.

Nanatili akong nakatungo kahit ilang ulit na niyang tinatawag ang pangalan ko.

"Ach. Anong problema? Niloko ka ba ni Hernandez? Anak ng kangkong talaga 'yon!" bulalas nito at ramdam ko ang bigla niyang pagtayo at tila may susugurin.

Agad kong tinaas ang aking paningin. Umupo muli ito nang makita ang itsura ko. Sigurado akong mukha na akong basang sisiw.

"H-Hindi ano ka ba," tanggi ko habang nakanguso. Umayos ako ng upo at niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin.

Bumaling ako kay Kian nang bigla niyang hinubad ang suot niyang blue hoodie at inabot sa akin. Mayroon siyang pang ilalim na puting shirt kaya ayos lang.

"Baka lamigin ka," anito at agad din umiwas ng tingin matapos makita ang suot ko. Tumingin din tuloy ako sa suot ko.

Ngayon ko lang napansing isang purple tank top at pajama lang ang suot ko.

"Isuot mo na 'to," muli niyang utos at padabog naman akong sumunod.

Malaki sa akin ang hoodie niya at mahaba rin ang sleeves. Pero okay lang dahil sobrang bango naman. Amoy baby.

"Kung hindi ka niloko ni Hernandez, anong problema mo?"

Bigla na lang ako napahikbi nang malakas matapos niya akong tanungin. Hindi ko alam basta kapag tinatanong ako kung anong problema lalo lang akong naiiyak.

"Hoy huwag kang umiyak hindi kita inaano, ha! Baka isipin nilang inaaway kita, oy!" reklamo niya at kaagad nilibot ang tingin sa paligid.

Pinahid ko naman ang aking mga luha gamit ang sleeve ng kaniyang hoodie.

"B-Bakit kasi ganito ang buhay ko? H-Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay ko. Masyadong kumplikado." utal-utal na sabi ko at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay.

Napapitlig ako nang kuhain niya ang kamay kong nakatabon sa aking mukha.

"Aray!" daing ko dahil nakapitan niya ang sugat ko. Agad naman niyang inabot ang aking kamay at sinuri ito kung bakit ako dumaing gayong hindi naman mahigpit ang pagkapit niya sa kamay ko.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now