Masaya akong nakakapit sa braso ni Mama. Naglalakad kaming tatlo nila Clandrea sa loob ng Mall para bumili ng susuotin para sa christmas party.
Kumuha ng day off si Mama para masamahan kami rito kaya para akong timang na nakangiti. Walang paglagyan ang saya sa aking dibdib. Madalang lang si Mama mag-day off kaya dapat lang na mag-enjoy kami ano!
"Ma, pilian mo ako ng damit, ha!" pangungulit ko sa kaniya. Tumango naman siya at nagsimulang maghanap ng damit na sale. Siyempre sa sale lang kami pipili para abot ng badyet.
"Naku Ate baka magmukha kang a-attend ng Flores de Mayo kapag si Mama ang pumili ng damit mo!" opinyon ni Clan kasabay ang malakas na halakhak.
"Hoy, Clandrea Kane, ina mo 'ko, ha." ganti ni Mama kaya tumawa kami. Nakaka-miss talaga ang ganitong bonding.
"Flores de Mayo pa nga!" umirap ako. Nagpaalam ako saglit at naglibot. Iniwan ko muna sila Mama roon habang namimili ng damit.
Dumako ang aking paningin sa isang babae na nakasuot ng white tank at skinny jeans. Nasa loob siya ng resto. Si Lair 'to! Lalapit na sana ako sa kaniya ngunit kusa ring tumigil ang aking mga paa nang pumasok sa loob ng resto ang.. Boyfriend ko.
O pekeng boyfriend ko?
Kita ko kung paano kumislap ang magandang mata ng best friend ko at kung paano ngumiti ang boyfriend ko.
Baka may pag-uusapan lang, 'no?
Tinaas ni Jaiv ang kaniyang kamay at kaagad namang lumapit ang isang waiter upang kuhain ang kanilang order.
Bago ko pa masaksihan ang lahat, tumalikod na ako at bumalik na lang kung saan naroroon sila Mama.
Sinalubong ko sila ng isang ngiti. Ngiti na medyo alangan pero totoo. Nagkakagulo pa sila dahil walang mapili si Clandrea na babagay sa kaniya.
"Sa divisoria na lang tayo, Ma." opinyon ko nang makalapit. Tumingin sila sa 'kin at binigyan ko sila ng matamis na ngiti upang pagbigyan.
"Ayaw mo ba rito? May naitabi naman akong pera kaya kahit dito tayo mamili." giit ni Mama at muling pinagpatuloy ang pamimili.
"Mas maganda sa divisoria dahil mura at maraming pagpipilian!" muli kong dagdag. Napaisip naman si Clan bago sumang-ayon.
Ayaw pumayag ni Mama dahil pakiramdam daw niya, ginagawa ko lang dahilan na maraming pagpipilian sa divisoria at umiiwas lang ako na magastusan nang malaki.
Opo, Mama. Isa sa dahilan 'yong magagastusan tayo nang malaki at alam kong pinaghirapan mo ang bawat sentimo ng ating pera. Ikalawa, baka makita nila ako at makaabala lang.
Hindi ako nagseselos, ha! Wala naman akong karapatan dahil walang kami simula pa noon. Medyo umaasa lang.
"Ate Achie! Bagay sa iyo 'to, oh." hiyaw niya saka iniabot sa akin ang kulay itim na A-Line dress. Maganda siya pero hindi ko gusto ang kulay. Hindi naman ako ganoon kaputi para mag-itim.
"Sa lamay ba ang punta ng kapatid mo, Clandrea Kane?" asik ni Mama kaya napanguso ang aking kapatid. Maganda naman ang dress pero hindi para sa 'kin ang kulay.
"Ayaw mo sa 'yo na lang? Mas maputi ka sa 'kin." opinyon ko saka kinuha ang dress at itinapat sa kaniya. Bagay nga ang dress sa kaniyang maputing balat.
"May napili na ako, Ate." saad niya at inilabas ang isang Light blue casual maxi dress. Ang ganda niya! "Maganda 'no? Mura lang 'to." puri niya sa dress.
"Nakapili ka na ba, Achiemi?" tanong ni Mama at kaagad akong umiling. Wala akong mapili. Sorry ha, ganito kasi kapag hindi pinili. Gumaganti lang.
Naglibot ako sa stall ni Ate Dalia upang makapili ng gusto ko talaga. Maraming maxi dress, bodycon dress, off shoulder, mini dress, tube dress, denim dress, at bandage dress.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Novela JuvenilSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...