CHAPTER 36

101 10 23
                                    

Umangat ang aking ulo nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto.

"A-Ate? Okay ka lang ba riyan?" nahihimigan ko sa boses ni Clan ang pag-aalala kaya agad kong inayos ang sarili.

Suminghap ako kasabay ang paghawi sa mga luha. "Ah, okay lang ako, Clan." pinilit kong ibalik ang sigla ko kanina ngunit hindi ko magawa.

"Kanina pa kasi tumutunog ang cell phone mo. Gusto mo dalhin ko riy—"

Napatayo ako. "H-Hindi na. Lalabas na rin ako, mauna ka na." utas ko. Ayaw kong makita niya akong ganito ang itsura. Ayaw kong makita niya akong ganito kahina.

"Okay ka lang ba talaga?" paninigurado nito at agad akong tumugon ng 'Oo'. Matunog itong bumuntong-hininga at kasunod noon ang hakbang palayo.

Nang masiguro na wala ng tao sa loob ng kuwarto ko, marahan kong binuksan ang pinto. Lumapit ako sa kama at agad kinuha ang cell phone na kanina pa tumutunog.

Nanlalabo man ang paningin dahil sa mga likidong namumuo rito, nanlaki ang mata ko nang mabasa ang pangalan ni Westin, tumatawag ito. Sinagot ko dahil baka mahalaga. Umupo ako sa kama.

"H-Hello? Si Achiemi ba 'to? Shet— wait. Argel, awatin mo naman si Westin, oy para kang tanga!"

Nailayo ko ang cell phone nang marinig ang malakas na ingay mula sa kabilang linya. Hindi pamilyar sa 'kin ang tumawag ngunit siguro'y kilala ni Westin dahil cell phone niya ito.

"Hello? May nandiyan pa ba? Hello? Siraulo maling number yata natawagan ko Argel. Sigurado ka bang Achiemi 'yong sabi ni Westin? Gago ka, ah!" mukhang nagkakagulo sila kaya ganoon kaingay.

"A-Ako nga si Achiemi. Bakit? Anong nangyari kay Westin?" tugon ko. Hinawi ko ang aking luhang hanggang ngayo'y tumutulo pa rin dahil sa nangyari kanina.

"Hala hayop pigilan mo sabi si Westin! Huwag kang parang tanga, Argel!" muling hiyaw nito sa kabilang linya. Rinig ko rin ang paglayo nito sa ingay saka huminga nang malalim. "Si Seon 'to, classmate ni Westin. Kanina pa siya nagwawala rito sa meet up place nila ng girlfriend niya. Sabi ni Westin kausapin daw kita at sabihing kausapin mo si Lairc—"

Kumunot ang aking noo kasabay ng biglang pagtayo. "Anong nangyari?!" nag-aalalang tanong ko.

"Break na sila ng tropa ko. Hindi 'yon matanggap ni Westin." paliwanag nito.

Agad kong pinatay ang linya saka nagmamadaling lumapit sa cabinet at basta na lang kumuha ng damit at pumasok sa banyo upang magbihis.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin sa banyo at ganoon na lang kabilis lumaylay ang balikat ko matapos makita ang itsura. Sira na ang make-up ko, mugto rin ang mata ko. Namumula rin ang mukha ko dahil sa sobrang pag-iyak.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Naghilamos ako upang tuluyang maalis ang kolorete sa 'king mukha. Agad din akong nagbihis, sinuot ko ang puti kong sapatos at kinuha ang cap na regalo ko kay Kian, naiwan kasi sa 'kin. Kailangan kong itago ang aking mukha upang hindi nila mapansin ang namumula kong mukha at mugtong mata.

Saglit akong sumulyap sa salamin. Pulang sweater ang pang-itaas, nakasuson ito sa itim na palda. Kinapitan ko ang cap saka hinila pababa upang mas maitago ang aking mukha.

Marahan kong binuksan ang pinto at agad tumama ang aking paningin kay Kian. Lukot ang mukha nito habang nakaupo sa mini stage kapit ang isang gitara. Umiwas ako ng tingin nang ituro ako ni Jolie. Ngunit si Mama naman kasama si Ate Zuila ang namataan ng mata ko, kapit nila ang isang malaking cake na inspired sa isang kpop group. Iyon ang birthday cake na hinihiling ko noon at ngayo'y nandito na, mukhang mas gusto kong umalis.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now