EPILOGUE 2

176 5 50
                                    

[Hoy anong nangyari sa 'yo?] tanong nito mula sa kabilang linya.

Ilang ulit nahulog ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang mukha. Nanatili akong titig sa kaniyang mga mata habang patuloy ito sa pagsasalita.

Handa akong makinig sa lahat ng kuwento mo, may kuwenta man 'yan o wala, ang mahalaga makita lang kitang masaya.

"Ay, sorry. Naagaw lang ng pansin ko 'yang bangs mo kaya para ka tuloy si Dora." palusot ko.

"Anong pinagsasabi mong bangs? Gagi wala akong bangs." natatawang giit nito saka inayos ang kaniyang buhok.

"Ang sabi ko, ang ganda mo."

Ilang salita lamang iyon ngunit gano'n kahirap para sa akin na sabihin mismo iyon sa harapan niya.

Dahil ayaw kong isipin niyang may iba.

"Anong ginagawa mo sa sahig?" nag-aalalang tanong ko at mabilis siyang nilapitan.

"Posing lang pang profile picture," natatawang dahilan niya.

"Hatid na kita sa Room niyo, baka mamaya tumalon ka na nang tuluyan sa hagdanan,"

"Sabay ka mamayang lunch sa amin, Kiks."

"Libre mo ba?" tanong ko. Kapit ko ngayon ang kaniyang braso upang umalalay.

"Libre mo!"

"Kapal mo talaga,"

"Alam ko," sagot niya.

Totoo pa lang tuwing masaya ka saka dumarating ang mga bagay na sisira sa sayang iyon. May darating para humadlang.

"Jaiv!" gulat na sigaw ng kalapit ko.

Kinagat ko ang sariling labi nang tapikin niya ang kamay ko.

Saglit silang nag-usap tungkol sa plano nila mamayang uwian habang ako'y naninikip ang dibdib habang nakatanaw sa mga ito.

"Ah.. Pumasok ka na sa klase niyo, Kian!" sabi niya na tila hindi komportable.

Saglit ko siyang sinulyapan bago marahang tinango ang ulo.

"Sige, una na ako Ach." paalam ko. "Una na ako pre," baling ko sa kasama niya.

"Go. Kaya kong ihatid ang Girlfriend ko." mariing sagot nito.

Napangisi ako ng wala sa oras at ilang ulit tinango ang ulo. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyong ipagdiinan.

"Jaiv.." bulong ni Ach.

"Kaya ko rin naman ihatid ang girl best friend ko." mas mariin kong buwelta. Nawawalan na ako ng pasensiya sa kaniya.

"Kian, hinahanap ka nga pala ni Ellane.. Nakasalubong ko siya kanina.." pagsingit ni Ach sa usapan.

"Girl Bestfriend, huh?" ngumisi pa si Hernandez habang nakatingin sa akin.

Umayos ka, Hernandez. Baka 'di ako makapagpigil ilubog kita sa kinatatayuan mo.

"Oo, boy best friend niya ako na palaging nasa tabi niya at handa siyang samahan kahit anong oras, ewan ko na lang sa iba riyan."

Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

"The fvck men. Back off or you'll taste the hell." banta ni Jaiv sa akin.

"Then I want to taste it for Ach." mabilis kong saad.

Hinila niya patungo sa kaniyang tabi si Achiemi na parang batang gusto ng magsumbong para patigilin kaming dalawa.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now