Suminghap ako kasabay ang pagpahid ng isang butil ng luhang tumulo mula sa 'king mata. Yumuko ako sa arm chair.
Hanggang kailan ba ganito?!
Ilang linggo na ba? Dalawang linggo ng ganito. Lumipat siya ng upuan sa bandang unahan at dinahilang lumalabo na raw ang kaniyang paningin upang makaiwas sa akin. Hindi na rin namin siya nakakausap. Madalas siyang umuuwi ng maaga, sumasabay ng lunch kina Kaye, at tumatawa kasama ng iba.
Tinaas ko ang aking ulo at agad tumama ang aking paningin sa kaniya na nakatingin din sa akin. Ako na mismo ang unang umiwas dahil baka mamaya umiyak na naman ako.
Nang muli akong sumulyap sa kaniya, nagtatawanan na sila kasama sila Kaye.
Kailan pa sila naging close?!
Pakiramdam ko nawalan na ako ng kaibigan.
Napabalik ako sa ulirat nang lingunin ako ni Jerick. Inabot niya sa 'kin ang yellow paper na mayroong mga notes. Tinanggap ko naman ito.
"Mag-aral ka na lang kaysa umiyak ka dahil heartbroken ka," suhestiyon niya. Inabot ko ang mga papel saka siya tinanguan. Ngunit akala ko titigil na siya ngunit muli siyang nagsalita. "Alam mo na ba 'yong latest tsismis?" tanong nito.
Kumunot ang noo ko saka umiling. Sa loob ng dalawang linggo saglit nanahimik ang lahat, walang bagong problema ngunit ang sakit ay nananatili.
"Hindi raw makaka-graduate 'yong tatlong estudyante mula sa 10-B. Grabe sayang 'yong isang taon!" kuwento nito na tila nanghihinayang. Sayang nga naman talaga.
"Salamat sa notes," sabi ko na lang at agad naman siyang tumango bago muling humarap sa unahan.
Finals na nga pala. Malapit na ang Final exam namin bago ang bakasyon kaya puro review ang ginagawa namin.
Sinimulan kong basahin ang laman ng papel ngunit wala akong gaanong maintindihan dahil tungkol iyon sa science. Mahina ang utak ko sa mga major subjects, medyo lumalaban naman sa minor subjects.
Umangat ang aking paningin nang marinig ang pangalan kong tinatawag ng kung sino. Tumama ang paningin ko sa isang lalaki na nakatayo sa pinto ng room.
"Achiemi brad punta ka rito!" hiyaw nito. Kumunot muna ang aking noo bago napagpasiyahang lumapit. Kailan ko pa siya naging brad?
"Oh?"
"Alex, Brad. Kaibigan ni Kian," nakangiting pagpapakilala niya. Ano bang akala niya? Nakalimutan ko na kaagad siya?
"A-Anong kailangan mo?" seryosong tanong ko rito at agad naman siyang tumugon.
"Si Kian nakikipagsuntukan sa kaklase namin. Gago dapat mapigilan 'yon, galit na galit si Kian!" tugon nito at handa na sana akong hilahin.
Mariin akong pumikit nang marinig ang kaniyang sinabi. Nag-aalala ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya. Aalis na sana kami ngunit biglang sumulpot sa pagitan namin si Sir Jigz na halos lamunin ako.
"Saan ka pupunta, Fuerte?" tanong nito at nilaro sa kaniyang kamay ang kaniyang mahiwagang ruler. Sumulyap ako kay Alex saka tumungo. Bumaling ang tingin ng guro roon. "Ikaw naman Ferrer?" tanong nito sa kasama ko. Hindi ito tumugon dahilan upang ihampas ng guro ang ruler sa pader.
"Science time niyo ngayon kay Mrs. Tanza, hindi ba Ferrer?" mahinahong tanong nito kay Alex at agad naman siyang tumango. "So what are you doing here?!" ang mahinahong boses ay napalitan ng parang halimaw na boses. Nakakatakot.
"I'll go ahead po," nagmamadaling paalam ng kasama ko saka tumakbo palayo. Ako nama'y nagpaalam na rin kay Sir Jigz na babalik na sa upuan.
Bumalik na sa normal na atmospera ang paligid. Nagpaliwanag si Sir tungkol sa mga topic na sakop ng examination namin sa subject niya. Ako nama'y hindi mapakali.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
TeenfikceSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...