CHAPTER 15

141 13 12
                                    

Pabagsak akong naupo sa aking kama. Nakakailang ikot na ako sa loob ng kuwarto pero hanggang ngayo'y  hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko.

Baka hiniram ni Clan? Hindi! Mas malaki ang size ng paa ko kaysa sa kaniya. Kung ganoon, nasaan na ang sapatos ko?!

"Ma! Nakita mo 'yong sneakers ko? Nakita mo ba?" sigaw ko. Nasa kusina siya at naghahanda ng almusal habang si Clan naman ay mayroong kausap sa cell phone.

"Aba malay ko. Sapatos ko ba iyon?" giit niya kaya napasimangot na lang ako. Kailangan kong mahanap 'yon para may masuot ako mamaya. Ngayon ang meet-up namin ng friend ni Westin. Ang sabi ni Lair sa Carica Garden daw ang meet-up place. Mukhang okay naman doon.

"Sabi ko nga po hindi na dapat ako nagtanong," tugon ko habang busangot ang mukha.

Tumayo ako at muling naglibot sa aking kwarto habang pilit pinapagana ang utak. Kung ako'y tanga saan ko ilalagay ang sapatos ko? Napatalon ako dahil gumana ang utak ko!

Sa ilalim ng kama!

Yumuko ako at sinilip ang ilalim ng kama. Naalala ko noon na dito nga pala ni Mama nilalagay ang mga gamit ko na nakalagay sa kahon. Bago pa ang sapatos na 'yon dahil isang beses ko pa lang nasusuot.

Hinila ko palabas lahat ng kahon na humaharang sa aking hinahanap. Nang makita ang kahon ng sapatos ay agad akong tumayo at umupo muli sa kama.

"Sa wakas!" nakahinga na ako nang maluwag dahil nakita ko na 'to. Halos isang oras na rin akong naghahanap. Agad ko itong nilabas sa kahon at sinuot. Kanina pa ako nakamedyas kaya mas napadali na lang ang pagsuot ko. Kinuha ko ang aking string bag at tumakbo palabas ngunit natalapid ako.

"Masakit!" reklamo ko. Napatingin ako sa baba at nakita roon ang mga kahon na hinila ko kanina palabas mula sa ilalim ng kama. Pumukaw sa aking atensyon ang kulay purple na kahon. Kinuha ko ito at muling bumalik sa pagkakaupo sa kama upang tingnan ang laman.

"Buhay pa pala kayo," bulong ko matapos makita ang laman ng kahon. Ito ang memory box namin ni Lair. Bale mayroon din s'yang ganito. Noong bata pa kami ay hilig namin ang mga bagay na magkatulad. Bata pa lang kami ay nais na naming maging twin sisters o kahit maging magkapatid na lang kasi wala s'yang kapatid.

Kinuha ko ang dalawang petals na nagmula plastic na flower na nakaipit sa isang to-do-list ko. Habang kapit ang petals na ito, binalik ako sa mga alaala namin noon..

"Sa 'kin binigay ang flower na 'yan, Lair!" naiiritang giit ko. Pilit niya kasing inaangkin ang bulaklak na galing sa crush ko na crush din niya. Goals yarn?

Pabagsak siyang umupo sa upuan at iniwan ang bulaklak sa aking lamesa. Bumusangot siya at nagmaktol. Hindi ko kayang makita siyang may sama ng loob sa akin kaya hanggang maaari ay pinagbibigyan ko siya.

Pumitas ako ng dalawang petals mula sa bulaklak saka lumapit kay Lair na hanggang ngayo'y hindi maipinta ang mukha. Inilahad ko sa kaniya ang natitirang bulaklak. Tiningnan niya lang ito at hindi ginalaw kaya ako na mismo ang naglagay sa kaniyang kamay.

"Sige, sa iyo na lang 'yan. Hindi ko naman gusto ang fake na bulaklak eh." pangungumbinsi ko sa kaniya upang tanggapin niya ang bulaklak.

Sa totoo lang, gusto ko ang ganoong bulaklak dahil hindi ito matutuyo at pangmatagalan ang buhay pero dahil gusto ito ni Lair.. Ako na mismo ang nagbigay sa kaniya.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now