CHAPTER 28

117 12 12
                                    

Dali-dali akong humiga sa 'king kama at prenteng nagpahinga. Kagagaling lang namin sa biyahe pauwi rito kaya sobrang nakakapagod.

Binaun ko sa unan ang aking mukha nang marinig ang sunod-sunod na katok.

"Ano?" tanong ko rito at agad bumaling sa pinto nang bumukas ito.

"Cleaning operation daw sabi ni Mama," sabi niya habang nakasandal sa hamba ng pinto.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Seryoso? Kagagaling lang sa biyahe!

"Hindi ba puwedeng bukas na 'yan? Galing sa biyahe." reklamo ko at muling ibinaon ang mukha sa unan.

Matunog siyang bumuntong-hininga, "Kay Mama mo sabihin 'yan," asik nito bago lumabas sa kwarto ko.

Pinikit ko ang mata nang maramdaman ang katahimikan.

"Achie! Lumabas ka nga riyan!" sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko

Expected na talaga 'to. Kapag hindi ka sumunod nang ipatawag ka, siya mismo ang tatawag sa iyo.

"Achiemi, sinasabi ko sa iyo kapag hindi ka lumabas diyan, hahampasin kita."

Kapag dalawang beses ka na niyang tinawag at hindi ka pa rin sumunod ay tumago ka na dahil katapusan na ng mundo.

"Achiemi Fuerte! Gusto mong puntahan pa kita riyan, ha?!"

S-Siyempre susunod na ako. Huling tawag na niya at kasunod na noon ang hampas

"On the way na!" sigaw ko at walang ganang tumayo at lumabas sa kwarto.

"Lalabas ka rin pala ang dami mo pang alam, artista ka?" asar na tanong nito sa akin nang makalapit.

Inaayos nila ang mga gamit na dala namin pauwi. Maraming pinadala si Lola at pati na rin 'yong mga regalong natanggap namin.

"Mukha lang akong artista pero hindi ako artista," taas-noong sagot ko at umupo sa sofa. Tinaas ko ang isang paa sa lamesa at sa sofa naman ang isa.

"Mukha kang tanga," bulong ni Clandrea pero sapat na iyon para marinig ko! Asar pa rin ba siya dahil napkin ang regalo ko?

Kasalanan ko bang mabait akong Ate? Madalang lang ang tulad kong nagreregalo ng napkin kaya keep me.

"I love you more, Clandrea!" pang-aasar ko pa. Pinukol niya ako ng packaging tape sa mukha.

"Shete ka Clandrea Kane! Gagi foul 'yon!" sigaw ko habang kapit ang noo. "Mama si Clandrea sinaktan ako!" sumbong ko ngunit saglit lang akong binalingan ni Mama bago ako pinukol ng damit.

"Huwag ka ngang parang siraulo, Achiemi. Matanda ka na kaya dapat maging mabuti kang halimbawa sa kapatid mo, hindi 'yong puro ka kalokohan sa buhay," bigla niyang sermon.

Napanganga ako.

Ako 'yong inaway dito, ah!

"Mama ako 'yong inaway dito at hindi si Clandrea!" pagmamaktol ko. "Sige, ganiyan ka na. May favourite ka na. Sige, aalis na lang ako." arte ko at aktong tatayo nang pigilan ako ni Mama.

Sabi ko na nga ba pipigilan ako, eh! Labyu Ma!

"Ipasok mo muna 'to sa kwarto ko bago ka lumayas at iwan mo lahat ng gamit mo pati iyang cell phone mo, ha." sabi nito at bumunot sa bulsa, "Pamasahe mo. Ingat ka, ha." inabot niya sa akin ang bente pesos.

"Saan aabot ang bente pesos?" tanong ko.

"Mag cornetto ka na lang!" singit ni Clan at ngumiwi ako.

"Dalahin mo na 'yan," muling utos ni Mama at agad akong sumunod.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now