CHAPTER 20

140 12 6
                                    

Tw // harassment


Bakit siya nandito? Akala ko ba may pupuntahan sila ng family niya? Aa! Ano ba Jaiv?!

Kitang-kita ko siya kasama ang Mommy ni Lair at isa pang babae na mukhang ka-edad lang ni Tita Laica.

Lalapitan ko sana sila kahit nag-aalangan. Kita ko sa itsura ni Jaiv ang pilit na ngiti at pekeng tawa. Madalas s'yang ganiyan pero masaya naman akong ilang beses ko na s'yang napatawa.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang biglang may humila sa aking braso kaya napatigil ako't medyo nabubo ang hawak na ice tea.

Si Lair lang pala.

"Let's go na, Achie. Kanina ka pa hinahanap ni Kian, oh." aniya saka tinuro ang table namin, nakatayo na si Kian habang nililibot ng tingin ang buong paligid.

"Pero nakita ko si Jaiv.." giit ko saka muling tumingin kung saan ko siya nakita pero wala na siya.

"Si Fieren? Wala siya rito ano! Anong gagawin niya rito? Tara na, Achie!" pilit niya sa akin. Wala akong nagawa at sumunod na lang sa kaniya. Sumulyap rin siya sa puwesto kung saan ko nakita si Jaiv.

Pinaupo niya ako sa aking upuan. Sumilay ang ngiti sa labi ng katabi ko nang makita ako. Hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana. Si Jaiv naman talaga 'yong nakita ko, eh!

"Ahm.. Tawag ako ni Mom. I need to go." paalam ni Lair at saka umalis. Tanging buntong-hininga ni Westin ang naging sagot sa paalam ng girlfriend.

"Bored ka na? Gusto mo umuwi na lang tayo?" tanong ni Kian. Umiling naman ako. Baka isipin nilang ang arte ko kaya mas pinili kong ibalik ang mood kong mas maayos at mas masigla.

"Anong uuwi? Hindi pa nga nagsisimula ang party, eh! Sasayaw pa tayo mamaya." pilit kong sabi.

Nagpatuloy lang ang party hanggang sa unti-unti na ring nauubos ang mga bisita. Bumalik sa table namin si Lair, mukhang pagod na siya kaya ako na mismo ang nag-aya na uuwi na kami.

Bago umalis, muli kong nilibot ang aking paningin nagbabaka sakaling makita ko siya pero wala, eh.

Mukhang namalik mata lang ako. Baka kamukha lang ni Jaiv. Hindi naman siguro magsisinungaling sa akin si Jaiv, 'no?

Bakit ko ba 'to iniisip?! Ano naman kung siya 'yon? Aa! Umalis ka na sa isip ko Jaivelle Fieren! Nakakabaliw!

"Nandito na tayo, Ach." mahinang anunsyo ni Kian sa akin. Tumango naman ako at handa na sanang bumaba sa kaniyang kotse ngunit pinigilan niya ako at sinabing pagbubuksan niya ako.

"Daming alam, Kian Rogelio!" umirap ako matapos sabihin iyon. Tumawa siya kaya lalo s'yang nagmukhang guwapo..

"Kita na lang bukas! Bye, Achiemine!" biro niya. Hinampas ko siya sa braso. Aray! Matigas, yow.

"Mine mo mukha mo! Alis na nga! Late na, oh. Ingat ka sa biyahe! Huwag tatanga-tanga, okay? Paalala lang, tanga ka pa naman." biro ko. Sanay na kami sa ganitong biruan at wala namang na o-offend.

"Tanga pagdating sa 'yo," hindi ko alam kung biro iyon dahil hindi ako natawa. Ngumiti siya saka pinisil ang aking pisngi bago ako hagyang tinulak papasok ng gate namin. Kumaway siya bago sumakay sa sasakyan at umalis.

Tanging si Mama na lang ang naabutan kong gising. Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng tv. Tinanggal ko ang aking sapatos bago lumapit sa kaniya. Umupo ako sa kaniyang tabi at isinandal ang ulo sa kaniyang balikat.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now