Nang tumunog ang bell ay agad akong pumasok sa loob dahil baka abutan ako ng teacher namin na pakalat-kalat sa corridor. Bawal pa naman 'yon. Pumasok na rin si Kian sa kanilang room.
Naroroon na pala si Lairca at kaswal na nagbabasa ng mga notes. Hagya ring kunot ang noo nito na tila naiirita na sa binabasa.
Pabagsak akong umupo sa aking upuan upang maagaw ang atensyon nito at hindi nga ako nagkamali, sinulyapan niya ako.
"Ang advance mo talaga mag-isip, 'no? Wala pa nga iyong discussion pero may notes ka na kaagad." sabi ko at tinuon ang siko sa arm chair at doon pinatong ang mukha, hagya ring nakapaling ang aking katawan sa kaniyang direksyon.
"Maraming kailangang paghandaan at pagtuunan ng pansin kaysa sa tumambay sa corridor at magliwaliw." hindi niya man lang ako sinulyapan.
"Tulad ng ano?"
"Quizzes."
Nanlaki ang mata ko dahil sa kaniyang sagot. Anong quiz?! Hoy walang quiz! Sinong may sabi ha?!
"Hoy walang quiz!" asik ko ngunit ngumiwi lang ito habang ang paningin ay nasa binabasa.
"Math, Science, and Computer." aniya sa paraang ganoon lang kadali para sa kaniya ang mga subjects na iyon.
Aysus maria! Math pa lang lugaw na utak ko, science at computer pa kaya?
"Walang sinabi na may quiz, ah! Wala, wala, wala, wala, wala!" parang batang sabi ko.
"Paano mo malalaman eh kahapon tulala ka lang habang nakangiti tapos magugulat ka pang may quiz? Gosh, Achie." sumiring ang mata nito.
Humarap ako sa harapan at walang pasabing binatukan ang nasa unahan kong kaklase. Humarap ito nang may matalim na tingin.
"May quiz daw? Wala naman 'di ba?!" tanong ko rito at aktong sasagot palang ito, humarap na ako kay Lairca. "Tamo! Wala raw quiz!" taas noong ani ko.
"May quiz!" singit ni Jerick, iyong binatukan kong honor student.
Batas ako, bakit ba?!
Ngumuso ako at nagdadabog na kinuha mula sa bag ang mga notebook ko. Padabog kong sinandal ang likuran sa upuan.
Ngunit unang buklat ko palang ay wala na agad akong nakita bukod sa lamok na naipit sa notebook ko.
Nakangisi akong humarap sa katabi at ilang ulit kumamot sa ulo.
"A-Ano pahiram notes.." nahihiyang sabi ko at sinamaan niya muna ako ng tingin bago inabutan ng notes.
Tinakpan ko ang magkabila kong tainga at pilit tinatandaan ang mga parts ng computer.
Ngunit ilang ulit ko na itong binasa at inunawa pero wala pa ring pumapasok sa 'king utak. Wala naman kasi ako noon!
"Huwag na nga lang mag-review, babagsak din naman. Kung babagsak man ako, hindi dapat ako magpaapekto, huwag natin hadlangan ang plano ng itaas." sabi ko at pabagsak na sinara ang notes at ibinalik kay Lairca.
"Ang pangit ng mindset mo," komento nito habang nakangiwi.
"Mas pangit ka," nakangusong bwelta ko. Anong magagawa ko eh walang pumapasok sa utak ko?
"One sit apart. This quiz is not just a quiz you imagined about because this is your chance to at least bring your grades to another step and survive the line of seven. Once you fail this you can't retake it. If you failed then you failed." bungad agad ni Sir Jigz nang makapasok sa loob. Kapit niya sa kaliwang kamay ang makakapal na papel at ruler sa kanang kamay.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...