Ilang araw na ang lumipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang sakit.
Ilang araw na rin akong umiiwas kay Jaiv dahil 'yon ang dapat. Hindi niya na rin naman ako hinahanap dahil kailangan nilang ibuhos ang buong atensyon sa pag-aaral para sa laban nila ni Lairca.
At ngayon ang araw ng pag-alis nila. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magpaalam at sabihing mag-ingat siya. Pero huwag na lang, baka mamaya mawala siya sa wisyo at isipin na ang kapal ng mukha ko. Ilang araw hindi nagpakita tapos biglang susulpot?
May respeto pa naman ako sa sarili ko.
[Guys! Ito na 'yon! Kinakabahan ako pero keri lang!] hiyaw ni Lair mula sa video call.
[Huwag kang kabahan, halimaw ka naman sa pag-aaral kaya wala 'yan,] ani Jem. Hindi ko alam kung insulto iyon pero mukhang sinasabi lang niya ang totoo.
"Good luck Lairca," sabi ko.
[Thank you! Oh, sige na. Bye na ha! I need to go na. Lablots!] paalam nito saka pinatay ang tawag.
[Achie tinawagan mo na siya?] biglang tanong ni Jem. Matunog akong bumuntong-hininga saka umiling. [Ganoon ba kalala ang away niyo? Sabagay pati kami ni Espe magkaaway ngayon.]
"Sige na, Jem. May kailangan akong puntahan." sabi ko saka pinatay ang linya.
Tumayo na ako sa 'king higaan saka nagbihis ng simpleng graphic shirt at maong short. Nilapatan ko rin ng liptint ang labi nang mapansing maputla ito.
Lumabas ako sa kuwarto. Walang tao dahil may sariling lakad si Clandrea at nasa trabaho naman si Mama.
Kinuha ko sa shoe rack ang itim na converse na sapatos. Walang gana ko itong sinuot. Lumabas na rin ako matapos iyon.
Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa lugar na madalang ko puntahan. Hindi ko kaya, eh. Hindi ko pa kaya noon pero ngayon, kakayanin ko.
Walang gana kong tiningnan ang mga taong nadaraanan namin sa daan. Maraming tao ngayon dahil Linggo.
Sumandal ako sa upuan ng tricycle at mariing pinikit ang mata kasabay nang matunog na buntong-hininga.
Nang maramdaman ang pagtigil ng tricycle, agad kong inabot ang bayad at naglakad palapit sa pupuntahan.
Huminga ako nang malalim bago umupo sa harap ng lapida ni Papa.
"Hello po, Papa. Sorry po kung ngayon lang nakadalaw ang Achichi niyo," marahan kong inalis ang mga tuyong dahon na humaharang dito. "Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob," nilibot ko ng tingin ang paligid.
Masyadong payapa rito. Wala akong natatanaw na ibang tao bukod sa 'kin. Lalong sumikip ang dibdib ko nang maisip na ganito ang araw-araw nadaranasan ni Papa. Sobrang tahimik, walang saya ngunit wala ring lungkot.
Masaya sana siya kung kapiling namin siya.
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya agad ko itong pinahid. Kailangang maging malakas ako dahil magiging masaya si Papa kung malakas ako.
"Wala nga pala Papa akong dala kahit kandila man lang o bulaklak. Biglaan din lang po kasi ang desisyon ko." sabi ko na parang kaharap lang ang kausap. Na parang buhay. Kahit hindi naman.
"Kumusta po? Sobrang tahimik po pala rito. Tanging huni ng ibon ang maririnig at paghikbi ng mga taong hanggang ngayo'y nagdadalamhati." mapait kong ani.
"Papa, alam niyo po bang noong nakaraan ko lang nalaman ang totoo? Noong nakaraan ko lang nalaman ang totoong nangyari sa inyo. Noong nakaraan ko lang din nalaman na hindi ko puwedeng mahalin ang taong mahal ko. Mukhang ayaw ng tadhanang magkasama kami. Sabagay mga bata pa naman po kami.. pero hindi ko po alam kung kailan mawawala itong nararamdaman ko para sa kaniya. Kung mawawala ba.."
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...