CHAPTER 08

182 13 3
                                    

Lumabas na ako ng kuwarto habang nakangiti na abot tainga. Kasi naman, sobrang dami ng comments tungkol do'n sa post ko kagabi!

"Achie, parang tinanghali ka na yata? Aba, kanina pa nakaalis si Clandrea Kane. May pasok ka ba?" tanong ni Mama sa akin nang makalabas.

Pabagsak akong umupo sa upuan, kaharap ang pagod na mukha ni Mama. Naghanda na pala siya ng almusal, hindi man lang ako nakatulong.

"Hoy, Achiemi! Ano ba at para kang tae riyan? Anong kabaliwan ba 'yang tinitingnan mo?" anas ni Mama sabay hablot ng cell phone ko.

Tae amp. Sakit mo naman, Ma.

"Ma! 'Wag kasi! Akin na po 'yan.." pagmamakaawa ko.

"Ano ba naman 'yang cell phone mo?! Naaaninag mo pa ba 'yan? Ang labo-labo, oh!" padabog niyang binalik ang aking cell phone at nagpatuloy na lang sa pag-kain.

Palibhasa'y sanay ka po Mama na daig pa ang naka-flash light sa taas ng brightness. Mas malinaw pa brightness mo kaysa sa kinabukasan ko, eh.

Kumain na lang ako bago pa magkagulo. Pikon kasi si Mama kaya hindi puwedeng biruin. Baka mamaya lumipad lahat ng gamit ko sa labas.

Nang matapos ako sa pag-kain ay lumabas na agad ako ng bahay para pumasok. Hindi pa naman ganoon katanghali. Sakto lang.. Sakto lang para ma-late.

"Kuya Guard, parang ang guwapo mo yata ngayon? Iba, eh blooming ka masyado! Naiinggit tuloy ako." pambobola ko rito, sumandal pa ako sa gilid ng gate habang nakatingin sa kaniya.

"Huwag mo akong lokohin, bata! Blooming blooming ka riyan. Sadyang guwapo ako 'no!" taas-noong aniya.

Iba ang hangin ng Guard ng school namin. Mula Quezon hanggang Batangas!

"Kuya Guard, tingnan mo 'yon oh! Anlaki no'ng ibon!" wika ko sabay turo sa langit. Tumingin si Kuya Guard kaya kumaripas na kaagad ako nang takbo.

Legit 'to, guys! Galawang batang pasaway.

"Hoy! Bumalik ka rito!" hiyaw niya pa. Ngunit nagpatuloy lang ako sa pagtakbo habang malawak ang ngisi sa labi.

"We love you, Kuya Guard! Kita kits na lang sa langit!" sigaw ko rin habang tumatakbo. Ang ulo ko ay nakapaling sa likod kaya hindi ko nakikita ang daan dahilan para bumangga ako sa matigas.

Matigas?

"Gagsti ano 'yon?! Gago masakit! Punyawa naman oh!" hinimas ko ang aking ulo. Sobrang sakit.

"Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo," sambit nito sa paraan na mahinahon lang ngunit mapapansin ang diin sa bawat salita na kaniyang binanggit.

Tumingin ako sa nabangga ko't halos lumuwa ang aking mata. Gusto kong lumuhod sa harap niya at humingi ng sorry.

Sorry na agad crush! Hindi ba puwedeng nag-crash landing lang kasi crush kita?

Tumindig ako nang tuwid at hinarap siya. "Okay lang ako, huwag kang mag-alala." paniniguro ko habang nakangiti na para bang wala ng bukas.

"Mamatay na ang nagtanong."

Natahimik ako dahil sa kaniyang tugon. Sakit mo talaga!

"Bumalik ka rito, bata! Napakapasaway mo talaga! Pati ako'y niloloko mo." sigaw ni Kuya guard na nasisiguro kong malapit na sa gawi namin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip at pati si Westin ay hinila ko sabay takbo. Ikinagulat niya ang paghila ko ngunit wala rin naman siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Tumakbo kami patungo sa likod ng mga room sa unang palapag. Walang tao rito sapagkat sabi ng iba ay may multo raw. Kahit wala naman. Gawa-gawa lang ng illuminati 'yan.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now