CHAPTER 06

236 15 0
                                    

Pinaglapat ko ang sariling palad habang sunod-sunod ang paghinga nang malalim. Sinubukan ko ring pakalmahin ang sarili ngunit lalo ko lang nararamdaman ang panlalamig dulot ng hangin na binubuga ng AC.

Nandito ako ngayon sa loob ng Guidance Office. Bakit? Dahil sa nangyari kanina lang.

"Miss Fuerte, ano ba ang nangyari? Hindi mo man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo?" mahinahong tanong ni Mrs. Fano, Principal ng school.

Nakayuko ako. Ayaw kong harapin ang kaniyang maamong mukha. Nasa labas ng office si Sir Jigz, naiinis pa rin daw siya sa 'kin kaya hindi na muna pumasok dito.

Kinapitan ni Mrs. Fano ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Tumingin ka sa akin," kalmadong utos niya.

Tumingin ako sa kaniya, nanlalamig pa rin ang kamay. Binitawan na rin ni Mrs. Fano ang aking kamay at muling bumalik sa pagbabasa ng libro.

Sasabihin ko na ba? Nakakahiya kasi. Huminga ako nang malalim bago binuga ang nangyari.

"Ganito po kasi Mrs. ang nangyari.."

FLASHBACK

"Sir Jigz!" malakas kong sigaw.

"Sir, tawag po kayo no'ng student sa taas." sambit ng isang estudyante at tinuro ako.

Lumingon naman agad si Sir. Kaso..

"Whaaah!" malakas kong sigaw. Kahit gusto kong sunggaban at habulin ito'y huli na.

Mayro'ng tumulak sa akin kaya naalpasan ko ang mga Folders. Sapol sa mukha si Sir Jigz!

Nang lumingon ako sa likod ko, wala ng estudyante. Paano na? Nang muli akong dumungaw sa baba ay nakita ko si Sjr Jigz, kapit siya ngayon ng dalawang estudyante sa magkabilang braso. Nawalan kasi ito ng balanse.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Puwede akong maparusahan o ma-guidance dahil sa nangyari. Hindi ko naman sinasadya!

Kahit papaano naman ay gumagana pa rin ang utak ko! Mukha bang sasadyain kong gawin iyon? Siyempre hindi!

Nang maging ayos na ang pakiramdam ni Sir ay tumindig siya nang tuwid at pinakatitigan ako. Bumaba na rin ako at nilapitan sila.

Nanatili lang sa tabi ni Sir ang dalawang estudyante na nagmamalasakit.

Lumingon sa gawi nila si Sir Jigz. "Bring her to the Guidance," napapapikit ito habang binabanggit ang mga salita. Siguro nga'y napuruhan talaga ito sa nangyari.

Lumapit sa akin ang dalawa at sinabi sa 'king sumama sa Guidance. Wala naman akong balak takasan ang ginawa ko kaya minabuti ko na lang na sumama nang maayos.

END OF FLASHBACK

Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Mrs. Fano, "So, 'yon na nga po ang nangyari. Pero promise po, Mrs. Fano, hindi ko po sinadya iyon. Meron pong tumulak sa akin.." sinulyapan ako ni Mrs. "Pero.. hindi ko po nakita kung sino."

Nakakalungkot lang kasi nalagay ako sa ganitong sitwasyon ng dahil sa tumulak sa akin.

Isinarado niya ang libro at tumingin nang diretso sa akin. "Wala kang pruweba, Fuerte. Kung ako man ang tutugon tungkol sa nangyari ay hahayaan ko na lamang ito, pero hindi ako. Kailangan ko ring alamin ang gustong mangyari ni Jigz."

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now