Seryoso lang ang mukha ko habang nakatanaw sa mga taong nakapila rin dahil magpapagupit. Nasa loob kami ng isang malaking silid na maaliwalas at tanaw ang labas.
Mayroon pang isang pinto para sa mga nagpapagupit. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mag-intay dito bago pumasok sa kabilang silid.
"Hindi naman bagay sa 'kin ang maiksing buhok, eh." pagmamaktol ko. Tinatawanan lang ako ni Clan at ganoon din si Lola. Mabait si Lola pero hindi mo gugustuhing magalit siya.
"Next na mga beks!" sigaw ng isang lalaki na ngayo'y nakadungaw sa pinto. Tumayo na ako at naglakad palapit sa kaniya.
Bumungad sa akin ang iba't ibang kagamitan na hindi pamilyar sa 'kin. Maraming shampoo!
"Upo ka na rito, beks." utos nito sa akin kaya umupo na ako sa upuan na kaniyang tinuro.
Kung ano-ano ang ginawa niya sa buhok ko at minsan pa ay bumubulong na buhaghag daw ang buhok ko at halatang hindi inaalagaan.
"Para saan po 'yang mga shampoo na 'yan, Kuya?" usisa ko. Kung ano-ano kasi ang nilalagay niya sa buhok ko!
"Sinong kuya? Mukha ba akong kuya?" maarte n'yang tanong. "I'm gay beks." dagdag niya pa at ilang ulit akong tumango.
Medyo tanga ako sa part na hindi ko napansin na mayroon pala s'yang kolorete sa mukha.
"Sorry po, Manong— este, Ate pala."
Halos buong araw ako sa loob ng salon! Pero sulit naman dahil maganda ang kinalabasan nito.
Bagsak na ang aking buhok na ngayo'y hanggang itaas ng balikat. Balak pa sanang lagyan ako ng bangs pero tumanggi ako.
Hindi nga kasi bagay sa 'kin ang bangs!
"Achiemi, ikaw ba talaga 'yan?" bulalas ni Mama. Oa naman ni Mama! Kinapitan niya ang magkabila kong balikat at sinuri ang itsura ko. "Hindi kita Anak! Ilabas niyo ang anak kong mukhang kulang sa aruga!" biro niya at paulit-ulit akong inuga.
"Tita Katrina, kakain na raw po," singit ni Jessy na ngayo'y nakatingin sa baba na tila naroon ang kausap.
Tinapik ni Mama ang balikat ko bago nagtungo sa kusina upang tumulong sa paghahain.
Iniangat ni Jessy ang kaniyang paningin at mabilis na pinasadahan ng tingin ang itsura ko. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at umirap bago sumunod kay Mama.
Gusto ko s'yang habulin at sabunutan dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago! Ilang ulit na s'yang napagalitan ni Tita Jean pero parang wala lang sa kaniya iyon.
"Maganda kong ate kain na raw, oh!" wika ni Clan saka hinila ako sa hapag-kainan. Kumpleto na kami kaya nagsimula na kaming kumain.
Umakyat na rin kami kaagad nang matapos at nagpahinga. Gusto ko sanang manuod ng TV sa salas kaso wala akong kasama. Natatakot naman akong mag-isa dahil malawak ang salas at patay na rin ang mga ilaw.
Muli akong umikot mula sa pagkakahiga. Kasigbay ko si Clandrea at sa kabilang kama naman sila Jessy at Jelly.
Hindi ako makatulog! Alam ko na ang solusyon dito.
Kinuha ko ang cell phone ko at nagsimulang mag-wattpad. Hanggang sa mayamaya'y naramdaman ko ang mainit na likido na nagmumula sa mga mata ko. Dahan-dahan ko 'tong pinahid at pilit pinakalma ang sarili.
Naaawa ako sa second lead! Hindi siya pinili dahil iba ang gusto ng kaniyang gusto. Aa! Kung bibigyan ako ng pagkakataon, pipiliin ko ang second lead dahil deserve nilang mahalin at pahalagahan.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...