CHAPTER 19

131 12 9
                                    

Paulit-ulit lang ang naging eksena. Papasok, kakain kasama ang tropa, uuwi at tutulog. Hindi naman nakakasawa. Hindi ko na nga napansin na ganoon na pala katagal ang fake relationship namin ni Jaiv.

Tuwing weekends, pumupunta kami sa Mall o kaya naman sa Park. Mayroon kaming kasama; minsan sila Lair o kaya naman sila Divel, kapatid niya. Sabay-sabay din kaming nagsisimba tuwing Sunday. Pagkatapos ng misa, dumidiretso kami sa pinakamalapit na kainan upang doon magpalipas ng oras at kumain.

Tuwing weekdays, nagbo-bonding kami sa student lounge pero madalang lang sumama si Jaiv dahil mas gusto n'yang mag-isa kapag nag-aaral. Hindi naman na iyon pinapansin nila Lair dahil naiintindihan naman nila. Sabay-sabay din kaming kumakain tuwing lunch pero pagdating ng uwian ay kaniya-kaniya na. Ako lang ang tanging hinahatid ni Kian. Madalas akong makipagtalo sa kaniya dahil gusto n'yang hinahatid ako pauwi kahit ayaw ko.

Sinabi ko sa kaniyang baka magkaroon ng issue dahil ang alam ng ibang tao ay may boyfriend ako. Hindi magandang tingnan na iba ang naghahatid sa 'kin tuwing uwian. Pero isa lang ang isinasagot niya bilang depensa.

'Wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao dahil ang mahalaga para sa 'kin ay masiguradong ligtas kang makakauwi.'

Hindi ko itatangging nakakagaan ng kalooban. Kahit boy best friend lang siya, mayroon pa ring effort. Kaya love na love ko si Kian, eh.

Naglalakad ako ngayon patungo sa library. Hindi ako mag-aaral 'no! Wala sa bokabularyo ko ang pag-aaral. May kailangan lang akong kuning libro para sa next subject namin. Ako ang inutusan ni Miss Cueva tutal parang gusto ko raw palaging nasa labas. Nakakainis nga, eh! Parang sinabi n'yang nagcu-cutting ako kahit hindi naman! Tamad ako pero hindi pumasok sa isip ko ang ganiyang bagay.

Kumusta naman ang lumiban sa klase para mag-bake kahit alam na bawal?

Nagulat ako nang makita ko sa loob ng library si Jaiv kasama si Alexis? Bakit siya nandito? 'Di ba dapat nasa room siya dahil period namin ngayon sa ESP. Gusto ko sanang lumapit pero naisip ko na, Bakit naman ako lalapit sa kanila? Sino naman ako para lapitan sila? Teka nga! 'Di ba girlfriend ako?

Kumuha muna ako ng librong kailangan ko bago pasimpleng lumapit sa kanila. Umupo ako sa kabilang lamesa upang makinig sa kanilang pinag-uusapan. Inalis ko sa pagkakapuyod ang aking buhok at ikinalat ito sa aking mukha upang hindi nila ako makilala. Binuklat ko rin ang libro para kunwari'y nagbabasa ako kahit hindi naman.

"Bakit ba ayaw mo sa 'kin, Fieren?" dinig kong tanong ni Alexis. Halata sa kaniyang tinig ang sakit.

"I don't know." simpleng sagot ng kaniyang kausap. Oh, belat ka Alexis.

Naghintay ako nang magiging sagot ni Alexis ngunit wala akong narinig. Medyo dumasig ako patungo sa dulo ng upuan upang mas marinig ang kanilang pag-uusap.

"Ano bang nagustuhan mo ro'n sa bobong Achiemi na 'yon?" iritadong tanong ni Alexis. Nang marinig ko ang pangalan ko'y agad akong nakaramdam ng inis.

Bakit kailangan n'yang idamay ang pangalan ko sa kanilang usapan? Oo, maganda ako pero hindi tamang isali niya ako ano!

Kinabahan ako sa magiging sagot ni Jaiv dahil alam ko namang fake lang 'tong relationship namin pero hindi ko pa rin mapigilang mag-isip ng mga bagay-bagay.

"I just like her, nothing more, nothing less." seryosong sagot nito. Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo dahil sa kaniyang sagot. Buti na lang at napakapit ako sa gilid ng lamesa pero gumawa naman iyon ng ingay. Sigurado akong nakatingin sila sa 'kin.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now