Saglit tumigil ang kotse sa tapat ng isang store dahil mayroon daw bibilhin itong si Jaiv.
Naiwan ako sa loob ng kotse. Napahawak ako sa aking tiyan.
"Nakakagutom naman!" reklamo ko. Wala naman akong pagkain sa bag.
Nilibang ko ang aking sarili sa pagkutingting sa compartment ng kotse at bumungad sa 'kin ang sealed cookies. Mayroon pa itong smiley kaya sobrang natakam ako.
"Hindi naman magagalit si Jaiv kung kakain ko ito, 'no?" bulong ko at kinuha ang cookies. Sinimulan ko na itong balatan. "Maiintindihan naman niyang gutom na ako," pang-uuto ko sa 'king sarili upang hindi makonsensya.
Tila tumigil ang mundo ko nang malasahan ito. Sa unang kagat palang malalasap mo na ang kakaibang lasa pero sa dulo'y masarap naman. Tama lang ang tamis ngunit may maalat din?
Umayos ako ng upo at humarap sa harapan habang abot tenga ang ngiti.
Pumasok na si Jaiv sa kotse, hindi niya ako binalingan ng tingin at inayos muna ang seat belt.
Natigilan ako nang titigan niya ako na parang may nagawa akong mali.
Hala! Mahalaga ba 'to sa kaniya? Minus ten sa langit, nangingialam ng hindi sa kaniya.
"Gusto mo?" alok ko at hagya pang inilapit ang kamay kong kapit ang dalawang pirasong cookies. Nakain ko na 'yong isa tapos kinakain ko pa lang 'tong isa.
Umiling siya kaya tumango naman ako.
"Achiemi.." pagtawag niya sa 'kin at mabilis naman akong tumingin. Sobrang sarap naman nitong cookies! Ang unique ng lasa. Pang mayaman siguro kaya iba ang lasa?
"Hm?"
"'Yang kinakain mo.." naiilang na sabi niya. Tinaas-taas ko naman ang kilay ko upang ipahiwatig na ano 'yon. "'Yang cookies.."
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago nagsalita, "Ito bang cookies? Masarap! Unang kagat ko palang iba na 'yong lasa pero pang mayaman siguro kaya ganoon ang lasa. Matamis sa simula pero maalat sa dulo. Malinamnam din!"
Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ang meron siya ngayon. Parang nandidiri na natatae na ewan.
"'Yang cookies na kinakain mo.." dahan-dahan niyang sabi na tila nag-aalangan pa kung sasabihin ba niya o hindi. ".. l-last week pa 'yan..." mahinang dagdag pa niya.
Napanganga ako.
Last week?!
Gusto ko na lang magpakain sa lupa! Dahan-dahan kong sinara ang aking bibig, "O-Okay pa naman 'yong lasa.." utal na ani ko habang nagpipigil ng iyak. Naiiyak ako sa kahihiyan!
"Binigay sa akin 'yan ni Diane Evelle last week dahil hindi raw ako kumakain ng ayos. Hindi ko naman nakain kasi busy ako." paliwanag pa nito.
"Kaya pala iba ang lasa?" nakangiwing pag-amin ko.
"I guess?" tumaas pa ang kaniyang kilay, "But don't worry, I don't mind if you eat bread with moldy because you'll always be my girl," maloko niyang sabi kaya lalo akong napanguso pero kinilig din.
"Hmpt!" ungot ko saka tumalikod sa kaniyang gawi. Sigurado akong pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Marunong kang bumanat? Pwes ako rin marunong.
Talent ko 'yon.
Pinasadahan ko ng daliri ang loob ng kotse niya. "Ang bata mo pa pero may kotse ka na kaagad, ah!"
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
أدب المراهقينSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...