KATRINA'S POV
"Subukan mong isunod ang anak ko, magkakamatayan tayo!" mariin kong banta sa kausap. Tumawag siya ngayon para ibalitang galing doon ang anak ko.
Hindi ba sinabi ko na sa kaniyang itigil niya ang koneksyon sa lalaking iyon? Manang-mana talaga sa ama. Pasaway.
[Ano ka ba Katrina? Kung magkakamatayan, bakit ngayon lang?] humahalakhak na tanong nito mula sa kabilang linya.
Pabagsak akong umupo sa 'king kama at mariing ipinikit ang mata bago muling nagsalita.
"Dahil mula noon wala kaming laban sa inyo dahil mahihina lang naman ang kaya ninyo!"
Kinig kong natigilan ito mula sa pagtawa.
[Don't act like we are the one who shoot your husband! Blame the stupid people who shoot them because of jealousy. Stupidity runs in their blood and so in you.]
"Pero kung hindi kayo tanga at isa't kalahati hindi niyo sila gagamitin para mailigtas ang buhay niyo! If we are stupid then what do you call yourselves? You're more than what they call stupid. You're more than the definition of that word. Acting so precious bright woman but the truth is you have a shameless behaviour and stinky attitude and overall, so asinine." galit na buwelta ko bago ibinaba ang linya.
Ngunit tumama ang paningin ko sa 'king anak. Diretso itong nakatingin sa akin habang ang mga mata'y punong-puno ng pagsusumamo. Humihingi ng paliwanag sa isang bagay na hindi niya maunawaan.
"Kanina ka pa riyan?" tanong ko ngunit nanatili itong nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking mukha nang maramdaman ang luhang umaagos.
"Mama, n-naguguluhan na po ako. Baka puwedeng ipaliwanag niyo na? Masyado nang marami ang nangyayari at sobrang bigat na rito, oh." bigla itong lumuha matapos ituro ang kaniyang dibdib. "Ano pong magkakamatayan? Sino pong kausap niyo at ganiyan kayo kagalit? Ma?"
"Bakit pumunta ka roon?" ngunit imbes na sagutin ang tanong nito, binato ko rin siya ng tanong.
Hindi ito sumagot.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo na itigil niyo 'yan? Iyang koneksyon mo sa Hernandez na 'yan. Masasaktan ka lang.. kami.. tayo." dagdag ko pa.
"Gusto ko pong marinig ang paliwanag niyo bago sundin ang gusto niyo." diretsong aniya.
"Gusto mo? Sige. Naaalala mo ba noong.."
"Papa, hindi ko naman talaga inaway si Hannah, ah! Sila nga itong sinasabihan ako ng bobo at pangit." pagsusumbong ng anak kong si Achiemi sa kaniyang ama.
Naglakad ako palapit sa 'king pamilya habang nanonood sila ng tv sa salas. Magkakatabi ang mga itong nakahiga sa higaan na nilatag nila sa sahig.
"Naniniwala naman si Papa sa iyo, Achichi ko." aniya at marahang niyakap ang anak.
Kung sana ganito tayo parati sigurado akong magiging perpektong pamilya tayo.
Tumabi ako kay Arthuro, asawa ko. Sa kabila ko naman ay si Clandrea at Zuila. Ngunit nang sasandal na ako sa braso nito ay biglang tumunog ang kaniyang telepono kaya agad siyang tumayo at sinagot ito.
Sinulyapan ko si Arthuro. Pinagdarasal kong sana hindi siya kailanganin ng kaniyang amo.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...