CHAPTER 11

143 15 8
                                    

"Wow! Mukha kang tao, Ate! Ang ganda mo sana kaso ang buhok mo nama'y magulo!" papuri nito ngunit hindi pa rin nawalan ng negatibong komento. Kapatid talaga kita!

"Pabayaan mo na 'yan. Pati ba naman buhok mapapansin pa?" pagkibit-balikat ko. Masyado naman siyang maarte.

Hinampas ako ni Clan gamit ang suklay, "Malamang mapapansin! Saan ba makikita ang buhok?" itinuro ko naman ang ulo ko. "Oh, ngayon mo sabihing hindi mapapansin!" singhal niya.

May point nga siya. Pero para sa akin, wala na akong pake sa itsura ng buhok ko. Ang mahalaga lang naman ay magampanan ko 'yong role ko bilang secretary.

"Ate mo ako, Clan! Huwag mo akong sigawan!" mas malakas kong singhal. Nandito pa rin kami sa bahay, masyado pang maaga para pumasok sa school. Si Mama ay nandito pa rin sa bahay, masama yata ang pakiramdam kaya hindi papasok.

"Ano ba 'yang ingay na 'yan?!" singit ni Mama na kalalabas lang sa kaniyang silid. Kapit niya ang kaniyang sentido.

"Eh, kasi Mama si Clan sinisig—" sumbong ko ngunit tinakpan ni Clan ang aking bibig. Alam kasi n'yang mapapagalitan siya kapag nalaman ni Mama na hindi niya ako ginagalang, ayaw kasi ni Mama sa mga bastos.

"Wala ho Ma, aalis na rin po kami ni Ate. Hehe."

"Sige, ingat kayo." tumalikod na siya sa amin.

Hinila ako ni Clan papasok sa kuwarto niya, malinis ang kuwarto niya at puro pink ang mga gamit. Pinaupo niya ako sa harap ng kaniyang vanity table.

"Hoy, bakit ikaw may vanity table sa kuwarto tapos ako wala?" nakangusong tanong ko.

"Nag-aayos ka ba ng sarili?" umiling ako. "'Yon pala eh." magsasalita pa sana ako pero hagya n'yang hinigit ang buhok ko.

Ate niya ba talaga ako?

Inayos niya ang aking buhok. Hindi ako makapaniwala nang makita ang buhok ko ngayon. Ang ganda!

"Okay na! Tara na, Ate." anyaya niya sa akin matapos ilagay sa drawer ang suklay na ginamit.

"Ang ganda ko,"

"'Yong puyod mo ang maganda hindi ikaw." kontra niya matapos kong sabihin na maganda ako. Inirapan ko naman siya. "Bagay pala sa iyo ang messy bun, Ate. Mukha kang professional." muli niyang wika.

Pumasok na kami sa school.

Sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko. 'Di tulad ko, simple ang kanilang suot ngunit umaangat pa rin talaga ang ganda. Mayroong napag-usapang susuotin sila at 'yon ay isang maroon v-neck shirt at jeans.

Gulat nila akong tiningnan. Inikutan pa ako ni Jem na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ikaw ba talaga 'yan, Achie? Mukha kang teacher na secretary na ewan! Basta ang formal." hindi makapaniwalang tanong ni Jem. "Mas sanay kasi kaming mukha kang Elementary." biro nito.

"You look so formal, bes. Unfair para sa amin na may katulad ang outfit!" komento ni Lairca.

Tiningnan ko muli ang aking suot. Isang peach blazer with inner white fitted blouse and white sneakers. Bumagay sa akin ang blazer.

"Ano bang meron at may ganitong event? Hindi man lang kasi nila sinabi kung para saan ang event na 'to. May alam ka ba, Achie?"

"Ah, wala eh pero ang alam ko ay si Jolie ang magpapaliwanag kung anong meron." malumanay kong sagot habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Saan tayo uupo, Lair?" tanong ni Jem. Hindi kasi nila ako makakasama dahil sa may stage ako mamamalagi para kapag mayroong kailangan ay maibibigay ko kaagad.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now