"Kian pansinin mo naman ako, oh!" parang batang pagmamakaawa ko. Naka video call kami ngayon pero naka-off ang camera niya.
Nakapatong ang cell phone ko sa vanity table at nakaipit din ang aking buhok pero hindi nakaligtas ang ilang hibla na kumalat sa mukha ko.
"Kian! Kian! Kian!" umarte akong parang namatayan kahit hindi naman niya nakikita ang mukha ko. "Pansinin mo naman ako, oh! Para ka namang sira, eh!" muli kong hiyaw.
[Ano ba kasi 'yon, ha?] nagtatampong aniya. Patago akong natawa dahil para s'yang bata, nagtatampo pa rin siya dahil hindi siya ang pinili kong isayaw.
"Tumawag lang ako kasi alam kong nagtatampo ka!" sagot ko sa paraang inis na rin. Ayusin mo 'yang pananalita mo baka ihagis kita, sige.
[Nagtatampo pala eh bakit ka pa tumawag, ha?] sagot nito sa akin na tila sobrang tinatamad.
"Siyempre susuyuin kita! Baka mamaya hindi mo na ako pansinin pagdating ng January!" sagot ko.
[Suyuin mo lola mo!]
"Isusumbong kita kay Lola Esmeralda! Akala mo, ha!" pananakot ko sa kaniya at agad naman s'yang nagsalita.
[Hoy, para ka namang others! Joke lang naman, eh.] bawi niya kaya muli akong natawa.
"Buksan mo na 'yang camera mo! Napakaarte mo akala mo naman mahal." biro ko. "Sige, kunwari hindi ko alam na Kiki ang tawag sa iyo ng Mama mo." pahayag ko at palihim na natawa.
Agad n'yang binuksan ang camera nang marinig ang sinabi ko. Iyon kasi 'yong nakita kong nakasulat sa payong niya noong pinahiram niya ako.
[Anong sabi mo?! Hindi ako 'yong Kiki na 'yon, ah!] tanggi niya pero hindi ko iyon pinansin.
Maarteng tinakpan ko ang mata ko nang makitang wala s'yang pang-itaas na damit at tanging maiksing short ang suot.
"Magdamit ka nga! Napakabastos mo! Hahampasin talaga kita ng kaldero, tamo ka!" banta ko gamit ang malakas na boses.
[Ay amp!] mukhang hindi niya rin napansing wala s'yang suot na pang-itaas. [Sorry sorry! Ikaw naman kasi, eh. Pinipilit mong buksan ko 'tong camera ko, eh kakagising ko lang!] giit niya pa at tinakpan ng kumot ang katawan.
"So, kasalanan ko pa, ha?!" napipikon kong singhal. Siya na nga 'tong inaalala, eh!
[Kasalanan ko. Kasalanan ko.]
"Buti kung gano'n. Magbihis ka nga muna! Nakakailang 'yang itsura mo! Mukha kang baklang binalot sa dahon ng saging." reklamo ko.
[Ako bakla?! May bakla bang mahal na mahal ang best friend? May bakla bang mahal na mahal ka?] giit niya pero hindi ko gaanong narinig ang huli n'yang sinabi dahil pahina nang pahina ang kaniyang boses.
"Ano? Pakiulit nga, hindi ko narinig ang mga sinasabi mo." tanong ko. Inirapan niya lang ako.
Para kang guwapong bakla na tupakin!
[Wala! Sabi ko maglinis ka na ng tainga dahil mukhang ilang taon ng may bara 'yang pandinig mo!]
"Kapal ng mukha mo, Totoy! Magbihis ka na!" saad ko at padabog n'yang pinatay ang camera ng kaniyang cell phone.
Binuksan niya ang kaniyang camera nang makapagbihis. Isang plain shirt at sweatpants ang kaniyang suot at gulo rin ang kaniyang buhok.
Magsasalita palang sana ako nang punahin niya ang ayos ko.
[Umayos ka nga ng upo! Mabuti sana kung nakapajama ka eh hindi naman. Mas maiksi pa yata iyang short mo kaysa sa pasensya mo!] puna niya habang nakaiwas ang tingin.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...