"A-Achie.." she uttered under her breath.
I walked towards her slowly.
"Gaga ka antagal mong hindi nagpakita, ah!" agad ko siyang sinalubong nang mahigpit na yakap. Sinuksok ko ang ulo sa kaniyang balikat. "Argh, na-miss kita.." bulong ko pa.
"I was busy." she chuckled.
Mabilis akong humiwalay sa yakap, kinunutan ko siya ng noo. "Saan? Sa yugyugan?" pigil tawang tanong ko. Kumurba ang ngiwi sa kaniyang labi bago mabilis akong ginawaran ng hampas.
"Ang dumi pa rin ng bibig mo, Achie!"
"Hoy marumi pa rin talaga 'yang utak mo, Lair!" buwelta ko at sinalubong ang kaniyang kamay na muli sanang hahampas.
"Nuh! You said.. what? Yugyugan? I mean, what the hell is up to you?!" maarte niyang pinadyak sa sahig ang dalawang paa habang nakakrus sa dibdib ang dalawang braso.
Tinaas ko ang aking kanang kamay at mahina siyang tinulak sa balikat. "Yugyugan! 'Di ba sumasayaw ka? Nabalitaan ko na sumali ka raw ng dance club during senior high at sumali ka rin nga sa contest sa school noong college?" paliwanag ko.
Narinig ko kasi noon na sumasayaw na raw siya. I just heard it from Alexis. After what happened twelve years ago, we became friends.
Tumigil na siya sa pagpadyak at kaswal na inayos ang suot na purle fitted dress. "Yes, for extra credits. Mom was against about that but I assured her that I can manage to maintain my grades while joining dance club."
"'Yang Mama mo talaga minsan wala rin sa hulog, ano? Palagi na lang kontra!" nalukot ang mukha ko.
Totoo naman! Si Tita Laica mula dati pa parati n'yang kontra sa mga gusto ni Lairca.
Matipid niyang tinango ang kaniyang ulo habang kagat ang pang-ibabang labi. "Ahm.. si Jem?" biglang tanong niya.
Si Jem? Bakit naman pupunta si Jem eh hindi naman namin siya kaklase noon para um-attend siya ng reunion.
"Bakit naman pupunta si Jem dito?" kunot-noong tanong ko.
"Pakialam mo?"
I tilted my head after hearing that broken voice. My eyes widened as I saw Jem's face. Wearing her favorite jeans with light purple blouse. Well, I noticed that all of them was wearing the same color on top. What's with them? Color coding? Hmm, sad though. I'm wearing white.
"Jemii!" Lairca pushed me because I'm blocking her way. She wrapped her arms around Jem's body to tighten the hug.
"Anong ginagawa mo rito?" I raised an eyebrow at her. Akala ko ba busy siya sa coffee shop? Dinahilan pa niya kay Tito Jelze na wala raw siyang panahon sa ibang bagay bukod sa coffee shop at sa tatay niya.
"Uulitin ko ulit?" she responded, also raising her eyebrow at me to intimidate me. "Pakialam mo?" mas malamyang tanong nito na tila tamad na tamad.
I mentally rolled my eyes.
Humiwalay na sila sa yakap at nagharap-harap kaming tatlo. I missed this! Sobra! The trio was completed again, finally!
"How are you, Jemii?" Lairca asked politely, flashing her angelic smile. Bakit siya mukhang mabait mukha pa lang? Samantalang ako, kung hindi pa nila ako makikilala ay hindi pa nila mapapatunayan na mabait ako. Mukha raw akong maldita na mabunganga.
"Tulad ng dati, buhay pa rin at humihinga.." sagot niya at walang pasintabing inayos sa harap namin ang damit na nagusot dahil sa yakap nila kanina.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...