Maaga akong gumising dahil mayroon akong dapat gawin. Tumingin muna ako sa salamin. Suot ko ang uniform namin habang nakapuyod ang buhok kahit magulo. Kinuha ko ang aking bag saka lumabas ng kuwarto.
"Bakit ang aga mo naman, Achie?" bungad ni Mama. Kalalabas lang niya galing sa kusina dala ang dalawang pinggan na mayroong lamang almusal.
"Papasok na po ako. May kailangan po akong gawin sa school." sagot ko. Lumapit ako sa lamesa upang kumuha ng tinapay bago humingi ng baon. "Ma, 'yong baon ko?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at umupo sa upuan. Nagsandok siya ng ulam at kanin.
"Kumain ka muna bago pumasok. Hindi mo na ba hihintayin ang kapatid mo?" nagsimula na s'yang kumain habang ako'y nanatiling nakatayo at hinihintay ang baon kong pera.
Baka sa school na lang ako kumain. May kailangan muna akong makausap.
"Huwag na po, Ma. Kailangan ko na pong pumasok tsaka kaya naman na po ni Clandrea pumasok mag-isa. Independent woman yata ang ganap no'n sa buhay."
"Sige, kuhain mo 'yong bag ko sa kuwarto at nang maibigay ko na ang baon mo." utos niya na kaagad ko namang sinunod.
Pumasok ako sa kuwarto ni Mama. Malinis at wala gaanong gamit dahil itinago na ni Mama ang mga gamit na maaaring magpaalala lang kay Papa.
Nakita ko ang kaniyang bag sa kama kaya agad ko itong kinuha. Ngunit napatigil ako nang makita ang isang kahon na nakapatong sa kama.
Gulat ko itong tiningnan at nang hindi makatiis ay kinuha ko ito at dinala kay Mama. Una kong inabot kay Mama ang kaniyang bag bago ipinakita ang isa ko pang hawak.
"Ma? Kanino po 'to?" tanong ko. Tiningnan niya ang aking kapit at nagpatuloy sa pagbukas ng kaniyang bag upang kuhain ang aking pakay.
Tiningnan ko ang kahon at hagya itong inalog upang masiguro na mayroong laman. Mabigat siya at alam kung may laman.
Baka mamaya prank 'to ni Mama, uto-uto pa naman ako.
"Sa tingin mo para kanino 'yan?" pagbabalik niya ng tanong sa 'kin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka isipin n'yang assuming ako kung sasabihin kong para sa akin kasi puwede rin namang para kay Clan. "Buksan mo." utos niya. Agad akong umupo sa upuan kaharap niya at binuksan ang kahon ng bagong cell phone.
Nagdiwang ang sistema ko nang makita ang kulay itim na cell phone. Sobrang ganda nito. Hindi ko mapigilang maging masaya kahit hindi pa ako sigurado kung kanino ito.
"Para sa iyo 'yan. Ilang taon na ba 'yang gamit mong cell phone? Bago pa naman ang kay Clan at alam kong mas kailangan mo 'yan."
Halos tumalon ang puso ko dahil sa saya. Tumayo ako at niyakap si Mama. Sobrang nagustuhan ko 'to.
"Sige, pumasok ka na at mamaya mo na lang gabi subukan 'yang cell phone." muli akong yumakap bago sinunod ang kaniyang utos.
Nakangiti akong pumasok sa school at pati ang mga estudyanteng hindi ko naman kilala ay nginingitian ko. Gumaganti naman sila ngunit ang ilan ay hindi ako pinapansin.
Pumasok ako sa room at agad ding lumabas upang magtungo sa room ni Jaiv. Hindi ko nasabi sa kaniya na dapat hindi malaman ng iba na fake boyfriend ko siya dahil paniguradong hahampasin ako nila Lair.
Bumaba ako ng third floor dahil hindi ko siya nakita sa kanilang room pero nandoon naman na ang kaniyang bag sa classroom.
Pumunta ako sa canteen ngunit wala siya roon kaya nagpasya akong bumalik na lang sa room ngunit bigla akong natigilan nang matanaw ko siya sa second floor kasama si Westin. Nagulat pa ako nang makita silang magkasama ngunit naalala kong magkaibigan nga pala sila.
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Fiksi RemajaSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...