EPILOGUE

184 4 36
                                    

THE FINAL FALL

Noon ang buhay ko'y umiikot lang sa akin at sa Mama ko. Kanino pa ba iikot, hindi ba? Iniwan na kami nang magaling kong ama at sumama sa ibang babae upang bumuo ng bagong pamilya. Hindi inisip na mayroon s'yang maiiwan. May pamilyang naiwan.

Malakas kong binatukan ang kasama matapos hilahin ang upuan na dapat uupuan ko. Pinagtawanan tuloy ako ng ibang taong nandito sa loob, buti na lang at guwapo ako. Isang Rogelio yata 'to ano!

Tanging mahinang angil ang naging tugon ni Zean at ininguso ang katabi n'yang umiiyak. Na-basted kasi itong si Alex no'ng online friend niyang 'Clandrea'. Naisip kong tama lang ang ginawa niya dahil bata pa naman siya.

"Pare, damang-dama ko 'yong pain. Grabe ang sakit pala magmahal ng grade eight student. Sana sinaksak niyo na lang ako!" umiiyak na reklamo ni Alex. Hinawakan niya ang dibdib gamit ang kanang kamay saka parang kalabaw na umatungal.

Pilit kong pinigilan ang ngiwi sa 'king labi. Nilibot ko ang tingin sa paligid, nandito kami ngayon sa canteen at mula rito sa kinauupuan ko'y tanaw ko ang mga titig ng mga kababaihan. Tanaw ko nga rin ang babaeng bumasted sa kaibigan ko.

Tumunog ang cell phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa, tumayo ako sa pagkaka-upo at hagyang lumayo sa mga kasama. Bumungad sa akin ang pangalan ni Mama kaya mabilis ko itong sinagot.

"Hello po, aking natatanging Binibini? Kumain na po ba kayo?"

Mula sa kabilang linya ay rinig ko ang kaniyang pag-ubo kaya nabuo sa dibdib ko ang pag-aalala. "Okay lang ang Mama mo, Kiki! Ikaw ba kumain na? Nakalimutan mong dalhin ang baon mo para sa pananghalian. Gusto mo bang dalhin ko riyan?"

Siyempre hindi na!

"Ah, hindi na po, Mama ko. Pahinga na lang po kayo.. Uuwi po ako," paalam ko ngunit agad niya iyong sinalungat. Ewan ko ba sa mga nanay, parating anak na lamang ang parating nauuna.

"Ma, naman.." reklamo ko, ayaw niya kasing pumayag. Pumasok na lang daw ako dahil mas importante iyon.

May mas importante pa ba sa Mama ko?

"Bahala ka." mahinang usal ko saka binaba ang linya. Baka mauwi lang sa pagtatalo.

Nang sumulyap ako sa mga kasama ko, agad akong naglakad pabalik sa upuan namin. Mukhang paalis na sila, eh. Magpapaalam na rin muna ako. Hindi ko naman kayang balewalain na lamang iyong nararamdaman ni Mama.

"Gago, Kian, una na kami baka isipin ng mga tao jowa ko 'tong baklang 'to, kung makaatungal." lukot ang mukhang  reklamo ni Zean. Nakaakbay sa kaniya si Alex na ngayo'y pilit pinakakalma ang sarili.

"Bagay kayo," natatawang ani ko. Inambahan niya ako ng suntok ngunit mabilis akong nakailag o may umilag para sa akin? "Hoy gago ka!" bulalas ko nang makita si Ellane na nakabulagta sa sahig.

"Hala tangena, Ellane, sorry sorry!" kabadong sigaw ni Zean at basta na lang binitawan ang kasama namin na nakaakbay sa kaniya, nilapitan niya si Ellane na medyo nakabawi na, nakaupo na eh.

Lumuhod din tuloy ako para tumulong. Siraulo kasi nitong si Zean, nasuntok niya si Ellane sa mukha! Pero ano ba kasing ginagawa niya rito?

"Aray ko, Kian.." atungal niya habang umiiyak, kapit pa rin ang kanang pisngi na ngayo'y sobrang pula. A-Anong gagawin ko? Hindi naman ako ang nakasuntok, ah! Bakit ako ang tinatawag mo?

Tumingin ako kay Zean, "Kasalanan mo 'to," paninisi ko pa. Ngumisi lang ang loko bago pinakita sa akin ang gitnang daliri sa kamay. Bastos amp.

"Kian, clinic," parang batang sabi ni Ellane, hinila-hila niya pa ang sleeve ng polo ko. Magugusot! Pinaghirapan ni Mama plantyahin 'yan tapos hihilahin lang?

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now