Inis akong napabaling kila Kian na hanggang ngayo'y hindi ako pinapayagang lumapit at makinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Psst. Kian." pabulong kong pagtawag sa kaniyang pangalan upang hindi ako mapansin ni Lair. Lumingon ito. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko. Kanina pa kasi sila nag-uusap! Umiling siya at muling humarap kay Lair.
"Lair! Ano ba?" pagsigaw ko. Tiningnan niya lang ako saglit at saka muling bumaling sa kaniyang cell phone. Kanina niya pa ito gamit at palihim pang ngumingiti. "Puro landi." bulong ko.
"Ano? Gaga ka! Gumagawa na nga ako nang paraan para makahanap ka ng sagot sa dare mo." angil niya kaya natahimik ako.
Biglang tumunog ang phone ni Kian kaya nagpaalam s'yang sasagutin muna ito, tumango naman ako. Lumayo siya sa amin ni Lair.
"Yey!"
Parang lalabas ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa pagkagulat. Ginawaran ko naman kaagad si Lair ng hampas dahil sobra talaga akong nagulat. Magugulatin kasi akong tao pero hindi naman ako madaling matakot.
"Ano 'yon? Makasigaw ka!" saad ko at inilibot ang paningin sa paligid. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante dahil sa sigaw nito. Lumapit si Lair sa akin at itinapat sa may mukha ko ang screen ng phone niya habang kinikilig at sobrang excited.
"Omoo! Ito na ang best time mo para matapatan ng spot light! Time mo na 'to para mag-shine! Yeyy! Magkakabebe na ang best friend ko, hindi na siya lonely!"
Halos maduling naman ako sa pagtingin sa screen ng phone niya na sobrang lapit sa mukha ko kaya itinulak ko ang kaniyang kamay upang mapaatras siya. Sumimangot naman kaagad ang kaniyang mukha.
"Bakit mo ako tinulak?! Aa! Nakakainis ka." nagmaktol siya at nagpapadyak sa sahig na parang bata. Hindi ko na lang ito pinansin at kinuha ang cell phone sa kaniyang kamay.
From: Mallows\>
Yes, Babe. I'll approach my friend. He's kinda lonely boy too. Maybe they could fit on each other. So please calm your self and eat snacks? And btw, I need to go. See you later or tomorrow I guess.Amp english! Hindi ko gets. Binalik ko kay Lair ang kaniyang cell phone at binigyan siya nang iritang mukha. Taka niya akong tiningnan.
"Why? Did you read it naman na 'di ba? Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niya. Hindi ba niya gets na purong english lahat ng sinabi no'ng boyfriend niya kaya hindi kinaya ng brain cells ko?
"Bwesit." bulong ko.
"Omg sorry! Hihi. Okay, I'll translate na lang for you." aniya at tumango naman ako. "Sabi ni Mallows susubukan daw n'yang kausapin ang kaibigan niya na tulad mo rin na single ang buhay na need ng kulay." paliwanag niya.
"Reto? Ganoon ba ang ibig sabihin?" tumango naman siya. Reto? Kinakabahan naman ako riyan sa reto reto na 'yan. Paano kung hindi ko bet ang i-reto niya? Hayst!
"Yep! Don't worry kasi I know naman na mga guwapo ang friends ni Mallows." sagot niya. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Umiwas naman ako ng tingin.
Hindi ako komportable sa dare na 'to pero wala naman akong magagawa kasi bagsak ako 'di ba? Ang hirap naman kapag bobo. Palagi na lang nalalagay sa alanganin.
"Ah.. Aalis na ako, Ach. Kita na lang mamaya." napalingon ako sa aking likuran, nakangiti si Kian ngunit alam kong hindi niya pa talaga gustong umalis. Tumango na lang ako bilang paalam.
"Hi, Mallows! Talaga? Mamaya?! Okay I'll be there. Yes! Bye."
Inayos na ni Lair ang kaniyang mga gamit at handa na sanang umalis ngunit napabaling ang kaniyang paningin sa 'kin. "Ops, nand'yan ka nga pala hehe." natatawang aniya. Mukhang nakalimutan na niya na nandito ang best friend niya, ah! Nakausap lang ang boyfriend bigla akong nakalimutan. Ano raw 'yon?!
YOU ARE READING
Unexpectedly Falling
Teen FictionSabi nila lahat may karapatang maging masaya. We all deserve to be happy. Pero bakit ako parang hindi? Hindi ba ako kasama sa mga taong deserving? Masama ba ako sa past life ko? Kada araw dala-dala ko ang sakit ng nakaraan. Nakaraang wala pa lang ka...