++++
Sunny Pov:
Pauwi na kami ngayon ni Yanyan. Nag aya kasi siyang bumalik na kami sa hotel. Bigla nalang daw siyang tinamad kaya ito napasama narin ako. Boring naman kasi pag ako lang mag isa ang gagala.
Kasalukuyan kami ngayong nakasakay sa taxi and pansin ko lang panay ang tingin ng driver sa akin. Habang nagdadrive siya ay pasulyap sulyap siya sa akin. Kaya tiningnan ko siya yung tipong hindi ko inaalis yung paningin ko sa kanya. Ang familiar kasi ng mukha eh. Parang kamukha niya yung babae kanina. Pero ito boy version niya.
"Ate nakikinig ka ba?"
Napatingin ako kay Yanyan. "Huh?" Nasabi ko sa kanya. Hindi ko kasi narinig iyong sinabi niya. Busy kasi ako sa pagtingin sa driver. "Hay. Nevermind nalang." Wika niya kaya nagkibit balikat nalang ako at ibinalik ang tingin kay manong driver.
Bakit ganito ito makatingin? May gusto ba siya sakin? Lah! Kumindat pa. Walangya to ah!
"Hoy! Ate. Wala kang balak bumaba? Nandito na tayo oh!" Napatingin ako kay Yanyan sa sinabi niya.
"Nandito na tayo?" Tanong ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Obvious ba ate? Nandito na ko sa labas oh!" Pagmamaktol niya. Oo nga naman Sunny, obvious nga naman! Tsk. Anyways, binalik ko ang paningin ko kay Manong Taxi Driver. Kasalukuyan din siyang nakatingin sakin habang nakangiti. I just rolled my eyes to him at tsaka lumabas. Padabog kong sinara yung pinto. Yung tipong mababasag eardrums niya sa loob. Kainis! Parang may pagnanasa pa sakin.
"Woah! Kalma ate. Mas hot ka pa sakin eh."
"Shut up!" Sigaw ko at padabog na pumasok sa loob. Pagpasok ko sa room ay bigla akong humilata sa kama. Haay. Ang lambot talaga!
"Ate! Matutulog ka ulit?" Wika niya sakin. Umiling ako. Hindi naman ako inaantok sadyang masarap lang humiga sa kamang ito.
"Ate."
"Hmmm."
"May tanong ako." Sabi niya napatingin ako sa kanya. Ang seryoso mg mukha niya. "Ano?" Walang ganang tanong ko.
"What if malaman mong hindi kami yung totoo mong pamilya magagalit ka ba?" Bahagyang napailing yung ulo ko sa tanong niya. May pa what if-what if pa siyang nalalaman. Eh alam ko naman ang katotohanan. Tsk. Sinagot ko nalang yung tanong niya.
"No. Why would I do that? Dapat nga magpasalamat pa ko." Sabi ko. Hindi ko ugaling magalit. Nakita kong napangiti siya sa sagot ko. Hay.
"Bakit Yan? May nalalaman ka ba?"
"H-huh? Anong pinagsasabi mo ate." Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Tsk. Alam na! May alam nga siya. Naku! Itong babaitang ito. Akala niya siguro sakin hindi updated.
Alam ko namang hindi ako totoong anak nina tatay at nanay. But I ignored it at hindi hinanap ang totoo kong mga magulang. Ayoko silang hanapin gusto ko ako ang hanapin nila. Kung talagang mahal nila ako at kung may pakialam sila sakin ay hahanapin nila ako.
"Whusho! Halika nga at humiga ka dito sa tabi ko." Sabi ko nalang. Umusog ako at tsaka siya humiga sa tabi ko.
"Ate. Mahal kita." Napangiti ako. Ano kayang nakain ng babaeng ito at nag eemo. "Well, thank you." I said. Bigla naman siyang sumimangot. Magkaharap kasi kaming dalawa kaya kita ko ang ekspresyon niya. "Wala ka talagang sweet sa katawan. Tsk." Siya sabay pout. Syempre pinitik ko yung nguso niya.
"Hoy! Teka nga pala. Kilala mo yung lalaki kanina?" Biglang tanong ko. Naalala ko kasi kung paano sila magsagutan nang lalaking iyon. Magkamukha sila ni Ryan. Infernes.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...