+++++
Polkadots
+++++
Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa lalaking iyon. Ang yabang na akala mo kung sinong gwapo!
Bumalik ako sa tambayan ng hindi maipinta ang mukha. Sirang-sira na ang araw ko at hindi ko alam kung sasaya pa ba ako.
Ngayon ko lang nakita ang peste na'yon na akala mo kung sinong maka-kaladkad sa akin palabas ng garden! Kaya ko namang lumabas mag-isa e. May paa ako!
"May paa ako pero bakit niya ako kinaladkad?!" I monotone.
"Anyare sa mukha mo? Ang pangit mo na nga, nakabusangot ka pa!" Michael said. Tiningnan ko siya ng masama.
"Paano naman kasi may asungot na kumaladkad sa akin palabas ng garden! Ang pesteng iyon!" naiinis na saad ko sabay upo sa sofa katabi ni Justine, na kasalukuyang nag-f-facebook.
He glanced at me before covering his phone. Akala naman niya ay nakikichismis ako sa tinitingnan niya sa facebook! I rolled my eyes to him before looking at Michael.
"Sino?"
"I dunno. Outsider yata."
Hindi ko naman kilala iyon. Nakita ko ang palihim na tinginan ni Justine at Michael. Naningkit iyong mata ko dahil pakiramdam ko ay kilala nila ang tinutukoy ko. Pero pinagsawalang bahala ko nalang.
"Hindi pa ba tayo papasok? Baka malate tayo sa klase," sabi ni Sabrina sa amin. Nagkatinginan kaming tatlo. Himala at siya ang unang nagyaya na pumasok sa klase? Wow! I can't believe this!
"Don't worry, akong bahala kay Ma'am kapag nalate tayo!" sabi ni Michael habang nakangising nakatingin sa amin.
Hindi ko mapigilan ang mapairap sa sinabi niya. Palibhasa, kaya niyang gawin ang kung anuman ang gusto niya. Isang sabi niya lang kay Tita Michelle, nanay niya, ay magiging maayos na ang lahat. Si Tito Kichael, ang ama nito ang siyang nagpatayo ng paaralang ito. At si Tita Michelle naman ang namamalakad dito. Kaya hindi ko masisisi si Michael kung isang sabi niya lang ay sinusunod agad ng mga magulang niya ang gusto niya kasi nga nag-iisang anak siya.
Perks of being an only child.
"Thirty minutes na tayong late. One hour nalang ay matatapos na ang klase," sabi ni Sabrina.
Napailing ako. She's right, we need to go now.
"Pasok na tayo," sabi ko sa kanila.
Napatango si Sabrina at Justine sa sinabi ko pero ang baklang ito ay wala paring ganang pumasok. Tiningnan namin siya ng masama kaya wala rin siyang nagawa.
"Fine!" he said in defeat. Kahit kailan talaga ang tamad-tamad niya. Kanino ba ito nagmana? I'm sure hindi sa mga magulang niya.
Lumabas kaming apat sa tambayan nang mapansin naming maraming nagtatakbuhan papuntang Cafeteria. Hindi naman sila tumitili kaya masasabi kong walang artista. Pero kung makatakbo sila ay parang may gusto silang makita na hindi sila pweding mahuli sa balita. Dinaig pa ang isang reporter sa isang estasyon ng telebisyon.
"What's with the Cafeteria?" Michael asked to us. Nagkibit balikat ako bilang tugon sa tinanong niya. Hindi ko alam kung anong meron doon. May concert bang hindi namin alam? May artista bang dumating na hindi kami na inform? May rambol ba? May nagpropose? Ano?!
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
AcciónWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...