Chapter 30

3.7K 125 3
                                    

++++++

Nandito ako ngayon sa tapat nang bahay nina Bakla kasama si Louie. May kailangan lang kasi akong hilingin sa kanya. "Pwedi naman na ako nalang ang gumawa Sunny."

Napatingin ako sa kanya. "Ayokong abalahin ka Louie. Nakakahiya. Mas okay na kung kay Michael nalang."

"Hindi ka nakakaabala Sunny." Umiling ako.

"Tsk. Tigas ng ulo." rinig kong bulong niya. Hinayaan ko nalang siya at nag umpisang maglakad papasok ng bahay nina Bakla. Kilala na naman ako ng guard dito kaya no need nang tawagin pa ang amo nila. Deri-deritso akong pumasok sa loob habang kasunod ko si Louie sa likod. Nakita kong bukas yung pinto ng bahay kaya dumiretso pasok nalang ako. Agad naman akong sinalubong ni Manang at sinabing nasa kwarto daw ang amo niya kasama si Kenneth.

Nagpasalamat ako at iniwan si Louie sa sala. Ako nalang ang kakausap sa kanya at tsaka ayaw din namang sumama no'ng isa. Umakyat ako sa taas at sa hagdan palang ay kita ko na yung kwarto niya. Kulay pink ba naman eh, hindi mo kaya manonotice? Lahat grey yung kulay sa kanya lang yung pink. Tsk. Lumapit ako sa pinto at hinawakan ang doorknob,binuksan ko ito pero naalala ko na hindi pa pala ako kumakatok kaya naisip kong isara ulit at kakatok nalang. Pero napahinto ako ng marinig ko yung boses ni Kenneth.

"Sabihin nalang natin. Malalaman at malalaman niya rin naman eh." rinig kong sabi ni Bakla. Hindi naman sa chismosa ako ano pero curious lang kasi ako sa pinag-uusapan nila.

"Hindi pwedi. Alam mong masasaktan si Sunny pag nalaman niyang patay na yung Nanay niya. Alam mo yun insan." Bigla nalang akong nanghina sa narinig ko. At namalayan ko nalang yung sarili ko na umiiyak sa harapan nila. Nasa loob na pala ako ni hindi ko man lang alam.

"Sunny?" Nanlalaki yung mata nilang napatingin sakin.

Lumapit ako kay Bakla. "S-sino? S-sino yung pumatay sa kanya?" Tanong ko. Ghad! Gusto kong magwala ngayon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Gustong gusto kong puntahan yung taong may gawa sa kanya no'n at ako mismo ang papatay sa kanya katulad ng ginawa niya sa Nanay ko. Shit lang! Naaawa ako sa mga kapatid ko at kay Tatay. Hindi pweding patay na si Nanay eh. Hindi pwedi. Masasaktan sila pagnalaman nila ito. Ako nga nasasaktan na hindi ko naman ito totoong ina, paano pa kaya sila?

"Ang taong gustong pumatay sayo Sunny." Biglang nanghina yung mga tuhod ko dahil sa sagot ni Kenneth sa'kin. "Sunny!!"

Inalayan nila ako papunta sa kama dahil muntik na akong matumba. "Okay ka lang?" hindi ko pinansin yung tanong ni Bakla at bigla nalang sumigaw.

"Ahhh!! Nakakainis sila! A-ano bang kasalanan ko?! Ano ba??" sigaw ko sabay hilamos sa mukha ko. I hate them. Pati si Nanay dinamay nila. Wala silang awa! Mga demonyo!

"Sunny calm down."

"A-ano bang kasalanan ko Bakla?! Bakit ba ako ang pinupuntirya nila? Wala naman-akong kasalanan eh. Wala naman Diba?" sabi ko habang umiiyak. Pinunasan ni Bakla yung luha ko. "Sssshhh. Tahan na. Wala kang kasalanan Sunny girl. Wala. At Sorry dahil hindi namin sinabi sayo. Sorry." sabi niya habang nakayuko.

"Naiintindihan ko Bakla. Pero ang gumugulo lang sa isip ko ay kung anong kasalanan ko sa kanila. Wala akong ideya. Wala.Wala akong pinatay, wala akong ginawang krimen, wala akong...wala akong--No..."

Impossible! Hindi kaya...hindi kaya siya ang may kagagawan nang lahat ng ito?

"Sunny?" tawag ni Kenneth sa attensiyon ko. Tumayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Kailangan ko siyang puntahan! Gusto kong kumpirmahin ang lahat na ito.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon