Chapter 16

4.1K 198 4
                                    

++++++

Pagdating ko, andun na yung dalawa referring to Sab and Jus. Tiningnan nila ako pero inirapan ko lang sila. Napatingin naman sila sa dala ko.

"Ano yan?" Tanong ni Michael.

"Piyaya" Ikli kong sabi.

Tinginan naman silang tatlo sakin including tita Michelle. Problema nila? Pinapunta lang ba nila ako dito para tingnan? Ehh?

"Pinge" Sabi ni Bakla habang nagbubeautiful eyes pa. Inirapan ko naman siya.

"Oh Ayan. Kainin mo. Mainit pa yan."-sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Saan ka nagpunta ba't may piyaya ka?"-Tanong ni Justine na nakakunot pa iyong noo niya.

"Bacolod" Sabi ko.

"Waaaahhhh.. Ang daya mo Sunny girl hindi ka man lang nagsabi." Reklamo ni Michael.

" Maingay." Sabi ni Sab sabay tingin sa kanya ng masama. Tumahimik naman si Bakla. At tumawa lang si Tita sa reaction na ipinakita ng anak niya. Nakasimangot lang kasi si Bakla habang sumusubo ng piyaya sa bunganga niya.

"Anong ginawa mo sa Bacolod iha?" -Tita Michelle, nanay ni Michael.

"Ah. May pinuntahan lang po. Inutusan ng amo ko. Hehe." Sabi ko.

"Sinong kasama?"-Sabrina.

Ano ba yan! Interview portion ba ito at panay ang tanong nila sakin? Tsk.

"Si Yanyan." Walang ganang sabi ko.

Tumango-tango naman si Tita at hindi na sila nagtanong pa. Tiningnan ko naman yung dalawa, referring to Justine and Michael, panay lang yung kain nila. Napailing naman ako. Ang tatakaw talaga.

"Ah. Tita may hinihintay pa po ba tayo?"-Justine sabay subo ng piyaya.

"Oo. Sina kenneth at yung mga kaibigan niya." Nakangiting sabi ni Tita. Napalunok naman ako sa sinabi niya.

A-Ano daw?

Pupunta siya dito? No way! Hindi pwedi. Anong gagawin ko? Aalis ba ko? Ano--

"Hoy. Problema mo. Ba't hindi ka mapakali d'yan?!" Singhal sakin ni Michael.

"Huh? A-ano. Wala-wala makati lang yung pwet ko. Oo. Makati nga. Hehe." Sabi ko sabay kamot kunyari ng pwet ko. Nakita ko namang napangiwi sila sa ginawa ko. Yay! Baka sabihin nila may bulati sa pwet ko.

"Sunny. Iha okay ka lang ba talaga?"

"Hahaha. Opo. Okay. okay lang. okay. Yeah. okay." Parang tangang sabi ko. Goodness! Bakit ba ako kinakabahan?!

Nakita kong napakunot yung noo ni Tita sa sinabi ko at napailing naman yung tatlo sakin.

"Tsk"-Sab.

Hindi ko nalang sila pinansin. Imbes ay kinuha ko nalang yung unan sa tabi ko at Itinakip sa mukha.

Kalma lang Sunny. Hindi ka affected right. Kiss lang yun. Huwag kang magpaapekto sa Manyak slash Sungit na lalaking iyon.

"Hello sa inyo."

Napadiin yung hawak ko sa unan ng marinig ko iyong boses na iyon. Ghaad! Ba't ba ko kinakabahan? Eh boses lang naman yun ni Ryan? Aish. Act calm na parang walang nangyari Sunny.

Inhale

Exhale

Inh-

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon