Chapter 50

3.1K 95 7
                                    

+++++

I have two days para maging masaya silang lahat. Effort! This all what I need to show to them that I love them. With the help of Philip, pinaghanda ko ng pagkain sina Nanay at Tatay pati na rin ang mga kapatid ko. I want to surprise them kahit alam kong magiging epic ang reaksiyon nila. Lets see.

Maaga akong nagising para lutuin ang napakadaming pagkaing ito. Lahat paborito nila kaya alam kong mauubos ito mamaya.

Tinulungan ako ni Philip na dalhin lahat ng pagkain sa loob ng kanyang sasakyan. I cooked fish filet, menudo, pakbit na may bagoong, chopseuy, mayroong din akong dried fish na prinito and spaghetti for Karlo. I even baked cake for them and bumili rin ako ng Ice cream, nilagay ko iyon sa cooler para hindi matunaw. Half day lang naman ako sa pamilya ko dahil pupuntahan ko ang mga kaibigan ko. I will invite them to hang out at magvideoki, iinom narin syempre pero bawal ang magpakalasing.

Mabilis na pinaharurot ni Philip yung sasakyan papunta sa dati naming tirahan. Agad kaming nakarating at walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob ng eskinita. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, hiya, takot, masaya, basta! Hindi ko alam. Nang sa tapat na kami ng pinto ay isang bulto ng babae ang agad naming nakita ni Philip. Nanlalaki yung mga mata ni Nanay. I smiled to her.

"Anak?" hindi makapaniwalang sabi ni Nanay. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya at ganun nalang ding tumulo yung luha ko. Ewan ko ba, nakakahawa ang iyak ni Nanay.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya. Maya maya lang ay nakita kong lumabas si Yanyan sa kwarto niya, mukhang bagong gising. Nanlalaki yung mata at kinusot pa yung mata niya ng ilang ulit. Natawa ako sa ginawa niya.

"Hindi ka nananaginip." sabi ko na. Nagulat ako ng bigla itong sumigaw at niyakap ako.

"Ate!" sabi niya sabay iyak.

Nabulabog niya sina Tatay at Karlo kaya lumabas rin ang mga ito. At kagaya rin ni Yanyan, sumigaw din ang mga ito.

"Ate!"

"Sunny!"

I hugged them all kahit alam kong nagtataka sila kung bakit ako nandito, parang hindi kami nagkita kahapon. I sighed.

Kumalas sila sa pagkayakap sa akin tiningnan yung taong nasa likod ko, napatingin din ako doon. I saw Philip, smiling at us.

"Hello po Mang Kiko. Long time no see." bati ni Philip. Nagdalawang isip pa si Tatay kung papapasukin niya ito o hindi kasi alam mo ang nakaraan. Napailing nalang ako at nilapag yung pagkain sa lamesa, tinulungan nila ako at hindi sila makapaniwala na niluto ko iyon para sa kanila. Natawa ako kay Karlo kasi biglang naglaway ng makita yung spagetti at fish filet, paborito niya eh kaya hindi na ako magtataka.

"Karlo! Yung bibig!" sita ni Yanyan.

Hinigit ko sila Nanay at Tatay palayo sa kanila para makausap. Hindi rin naman sila agdalawang isip na sununod.

"Nay, Tay, sorry po sa inasal ko kahapon. Nabigla lang kasi ako at hindi makapaniwala." agad na sabi ko, ngumite lang sila at niyakap ako.

"Naiintindihan namin anak. And sorry din sa lahat ng maling ginawa namin sayo at sa Ama mo." tumango ako kay Nanay.

"Naiintindihan ko po at alam kong magiging maayos rin po ang lahat. Kakausapin ko po si Ba." I said to them.

"Bigyan mo na rin kami ng appointment sa kanya nak para magka-usap din kami. Alam mo na baka makainuman ko pa siya."

Natawa ako sa sinabi ni Tatay, hindi na ako nagtaka kung batukan siya ni Nanay. Inumin parin kasi ang nasa isip niya.

"Pfft. Haha. Okay po. Walang problema."

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon