+++++
Together
Tinanong ko si Philip kung anong nangyari sa kanya pero hindi niya sinabi ang totoong rason. He kept on ignoring my questions every time I asked him. Ayaw niyang pag-usapan ang nangyari sa kanya. At hindi iyon nawala sa isipan ko hanggang sa pagtulog. I am bothered really. I am curious at the same time.
Hindi palaaway na tao si Philip. Kaya nakakapagtaka na nagkaroon siya ng tama ng baril. Hindi naman siya iyong tipong pweding pagtripan ng kung sino kasi kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Malakas siya kahit na babakla-bakla. Hindi naman siya nasasangkot sa mga illegal na mga gawain. Kaya nakakapagtaka talaga kung saan niya nakuha iyon.
Pero imbes na isipin iyon ay pinagtuunan ko nalang ng pansin ang puson kong sumasakit ngayon. Kanina pa ako daing ng daing at parang gusto ko nalang gumapang papuntang pinto ng bahay namin.
"Lintik na puson talaga ito!"
Gusto kong manuntok at manabunot. Nakakaimbyerna. Ngayon pa talaga dumating ang monthly period ko? Kaya pala parang naglilihi ako kahapon. Kung ano-anong kinakain ko, na akala mo naman ay buntis ako.
"Nak, pasok ka na?" tanong ni Tatay nang mahawakan ko ang doorknob. Napalingon ako at sinagot siya.
"Opo tay."
Kahit namimilipit sa sakit ang tiyan ay kailangan kong pumasok dahil dalawang araw rin akong absent sa kadahilanang kinulong nila ako. Hindi naman pweding three consecutive ang absent ko. Baka maireport ako sa kaitaas-taasan.
"Okay ka lang?" Umiling ako. Hindi ako okay dahil masakit ang puson ko.
"Huwag ka ng pumasok Nak. Baka matagusan kalang."
I shook my head. "Hindi pwedi Tay...aray!" Pinisil ko iyong tiyan ko dahil biglang kumirot at kasabay no'n ang pagtulo ng dugo sa ilalim ko. Shit naman! Ramdam na ramdam ko talaga.
"Magpahinga ka nalang."
"H'wag na tay. May quiz kami mamaya sabi ni Michael kaya hindi ako pweding umabsent," pagsisinungaling ko.
Umalis na'ko bago pa magsalita si Tatay. Gusto ko kasi talagang pumasok. Sawa na'ko dito sa bahay at saka mawawala din naman itong sakit mamaya. Tiwala lang dahil kaya ko pa namang tiisin.
Nakaraos ako hanggang gate ng school namin pero hanggang doon lang kasi hindi ko na nakayanan. Napaluhod nalang ako bigla sabay mura.
"Langya!"
Sinubukan kong tumayo pero nanginginig iyong paa ko. Ang resulta, napaluhod ulit ako. My ghad!
Wala pa namang tao dito, siguro ay nagsisimula na ang klase. Napadaing ako ng husto. I bit my lower lip to control the pain that I am feeling right now pero pakingtape ayaw talagang mawala.
Namimilipit na'ko sa sobrang sakit nang maramdaman kong bigla nalang umangat ang aking katawan. Namalayan ko nalang na mayroon na palang bumubuhat sa akin kung saan. Magrereklamo na sana ako kaso nanghihina ako.
Gustuhin ko mang pukpokin ang taong bumuhat sa'kin ngayon, hindi ko magawa. Nanghihina talaga ako ng sobra.
"Where's your house?"
Napatingin ako sa lalaking bumuhat sa'kin. Ganoon nalang nanlaki ang mata ko ng makilala siya.
"Z-zenberg?"
Pati ba naman sa bagay na ito ay tutulungan niya ako? Wala talaga siyang mintis sa tuwing kailangan ko ng tulong.
"Shit!" I cursed in so much pain. Napabuntong hininga ako ng malalim at itinago ang ulo sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...