+++++
"So iiyak ka nalang ba dyan? Wala ka ng ganang lumabas?" sigaw ni Philip sa labas.
Ilang araw na akong ganito, ilang araw na akong umiiyak. Pero pakshit lang! Hindi parin nababawasan yung sakit na nararamdaman ko. Ang sakit parin hanggang ngayon. Parang for lifetime na yata ito.
"Pasok ka." I said. Iyan lang naman ang hinihintay ng baklang yan eh. Ang papasukin ko siya sa kwarto ko.
Lumapit siya sakin at tinabihan ako sa kama. Agad niya naman akong hinampas ng unan. Lalong lumakas yung iyak ko. Masakit na nga emotionally, sasaktan pa niya ako physically. Wala bang awa tong baklang ito sakin?
"Okay ka lang?"
"H-hindi Bakla. A-ang sakit parin talaga. Kumikirot yung dibdib ko at yung mata ko ayaw tumigil sa pag-iyak." pagsusumbong ko sa kanya na parang bata. Kahit hirap akong magsalita ginawa ko parin. Kahit na hindi ako masyadong makahinga nakapagsumbong parin ako.
"Hay. Anong gusto mong gawin ko?" hirap din na sabi nito. Umiling ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong gagawin ko maliban sa umiyak at magmukmok dito.
"Tara igala kita dito sa Singapore." sabi nito. Umiling ako. Wala akong gana.
"Hay. Naku naman! Eh ano ba talagang gusto mo ha?" naiinis na sabi nito.
"Gusto kong umuwi. Gusto kong makita siya Bakla. Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko siyang yakapin. Bakla! Tulungan mo ko! *sniff*" hindi na ako magtataka kung batukan man niya ako ngayon. Yeah. Ang gaga ko. Alam ko.
"At pagkatapos ano? Anong gagawin mo ha?"
"Magsstay nako doon for good. Nakulong na si Tito Qu. Wala na akong problema pa." sunod sunod na sabi ko pero napailing lang ito.
"Nakulong ha. Tsk."
"Anong binubulong mo d'yan ha Philip?" mabilis na umiling ito at tumayo sa harapan ng salamin at nanalamin.
"Nothing. So iiwan mo ang Ama mo dito SM?" natahimik ako sa sinabi niya. Tiyak na hindi papayag ito--pero.
"Yayayain ko siya." sagot ko.
"Hay. You think that's a good idea? Sa tingin mo papayag siya?"
Umiling ako sa kanya. Hindi ako sigurado kung sasama siya sakin o papayagan niya akong unuwi ng Pilipinas at doon tumira pero gusto ko ng umuwi.
"H-hindi pero para rin naman to sa kanya eh. Para magkaroon sila ng closure ni S right?"
"Closure nga ba? Baka gulo uy! "
Hay. Ano ba ang pwedi kong gawin para maging positive ang sagot ng isang ito? Sa tono kasi ng pananalita niya parang wala na akong pag-asang umuwi pa at makita sila.
"Basta susubukan ko at miss na miss ko na--"
"Siya?" dugtong nito sabay tingin sakin ng nakangiti.
"Hindi yung Pilipinas."
"Sige lang magkunwari ka lang d'yan. Nakakabuti yan sa heart." sabi nito. Tumahimik nalang ako at yumuko.
"Tsk. Gusto mo ba talagang umuwi SM?"
Tiningnan ko siya at tsaka tumango. Gustong gusto ko ng umuwi kaso no'ng magpaalam ulit ako kay Ba ay hindi niya na ako pinayagan pa. Ayaw niya daw makita ko pa si Zenberg. Ayaw niya daw na masaktan ako pag-umuwi ako doon.
"Pwes! Simulan mo ng kumbinsehin ang Ama mong may pusong bato. At napakasama." sabi nito at may sinabi pa siya sa huli pero hindi ko narinig.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...