+++++
Mabilis akong nakaalis sa bahay na iyon gamit ang sasakyan na ginamit namin kanina papunta dito. Mabuti nalang ay naiwan ni Tatay ang susi sa loob ng sasakyan at nakaalis ako.
Tinungo ko ang destinasyon ko sa unit na tinitirhan namin ni Philip. Pagkadating ko ay agad ko siyang hinanap pero hindi ko siya mahagilap. Mabigat yung dibdib ko at hindi ko alam kung paano ito ilalabas kaya ang ginawa ko ay nagwala. Nagwala ako hanggang sa mabasag ko lahat ng gamit na makita ko. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga gamit na nakikita ko nang sagano'y mabawasan ng kaonti.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Ang babaw eh! Masyadong mababaw but damn hindi ko mapigilang masaktan sa nalaman ko. I have doubts, confused! Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Yung Ama ko ba na walang ginawa kundi ang alagaan ako doon sa Singapore, na kahit pagod siya sa trabaho ay nagawa niya paring makipagbonding sa akin at alagaan ako. Hindi niya ako sinasaktan, kahit pagbuhatan ng kamay ay hindi niya ginawa. Lahat ng luho ko sinunod niya, maliban nalang sa umuwi ako dito sa Pilipinas.
Ayaw niya ba akong pauwiin kasi natatakot siyang baka malaman ko ang nangyayari dito? Pero bakit sabi ni Philip, masaya sila dito? Na maayos ang buhay nila kahit wala ako?
Half lies and half true?! Damn it! Gusto kong malaman ang katotohanan! Pero paano ko magagawa iyon kung lahat nalang sila iba-iba ang kwento? Nagsisiraan ba sila sa isa't-isa? O talagang gusto lang nilang guluhin ang utak ko para mas lalo akong masaktan ng ganito?
"Pakshit! Pakshit na buhay to!" nagpaausdos ako ng upo habang mahigpit na nakahawak sa buhok ko. I'm fucked up!
"What the hell?! Anong nangyari dito?" rinig kong sigaw ni Philip. Nagtataka siya sa nangyari sa unit namin. Magulo at maraming basag na gamit. He cannot blame me, I can't control my emotions anymore. Hindi ko na alam kung paano ko pa hahawakan ng maayos ang dinadamdam ko.
"Anong nangyari?" tanong niya sabay lapit sa akin. Nasa gilid lang ako ng sofa at nakasandal doon.
"Th-they told me everything." garagal na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya na parang pinigilan ang kung anumang emosyon na tinatago niya.
"Anong sinabi nila?" he said.
"Tell me Philip. Tell me the truth please. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ikaw nalang. Ikaw nalang ang maaasahan ko. Ayoko na nang gulo. Ayoko na. Please tulungan mo kong maayos ang lahat. Sawa na ako." sabi ko habang umiiyak sa harapan niya. Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik. I can't take this anymore. I want to know the truth.
"Please grant my wish." I said. Naalala ko na binigyan niya ako ng tatlong kahilingan, gusto kong gamitin ito ngayon, gusto kong malaman ang totoo.
Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. He tried na patahanin ako pero hindi ko mapigilan ang umiiyak. Gusto ko man itong pigilan pero hindi ko magawa, tumutulo talaga siya. I heard him sighed. Sa bawat paghinga niya ramdam ko ang bigat nito.
May nalalaman ka ba Philip? Isa ka rin ba sa mga taong nanakit sa'kin? But then, hindi ko siya masisi kung mayroon nga. Siguro sinusunod niya lang yung pinag-uutos ng aking Ama.
"Gusto mo talagang malaman?" He asked and I immediately nodded unto him.
"Gusto ko."
"Handa ka na bang kamuhian kami?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Gusto ko siyang tingnan pero hindi niya ako hinayaan. Niyakap niya lang ako ng mahigpit. Hinayaan ko nalang siyang gawin iyon at nakinig nalang sa sasabihin niya, sa pagkukuwento niya.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...