Chapter 40

2.7K 91 0
                                    

++++++

Lumabas ako ng opisina ni Ba na may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko kasi mapigilan yung saya ko ng payagan niya ko. Yung feeling na makakauwi ka na sa Pilipinas? Hay. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi lang yung kasal nila ang mapipigilan ko makikita ko pa yung pamilya ko na matagal ko ng hindi nakikita.

Oo, updated ako sa buhay nila kasi nga ininform ako ni Philip pero hindi parin sapat iyon. Mas maganda pa rin yung nakikita mo sila at nakakasama, atleast iyon nasisigurado mong okay sila kasi ikaw mismo yung nakakakita.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si Philip sa sala. Tatawagin ko na sana siya nang mapansin kong may kausap pala siya sa cellphone niya. Hindi ko alam kung sino kaya naman nakinig nalang ako imbes na tawagin siya. Alam mo na chismosa rin ako eh.

"Paano mo nalaman?---What the?! No!"

Sa naririnig ko ngayon parang nagdedebate sila ng kausap niya, para kasing lalabas na si Philip sa katawan niya. Kung makasigaw akala mo walang nakakarinig sa kanya.

"No. Hindi ko sasabihin sa kanya."

Curious ako kung sino ang kausap niya at kung sino yung tinutukoy niya na hindi niya pagsasabihan.

"Baka magpakamatay nalang ito bigla eh."

Curiousity kills me. Swear! Gusto kong malaman kung anong pinag-uusapan nila at kung bakit umabot pa sa pagpapakamatay yung sinasabi ng baklang ito. Sino ba yang kausap niya?

"Ah basta hindi pwedi! Salamat nalang sa impormasyon mo."

"I said no! Pagnalaman niyang nabuntis ni Jeth si Mrie magpapakamatay yung babaeng iyon. Kaya No! Hindi ko sasabibin sa kanya!"

Kung gaano kalaki yung ngiti ko kanina ganun nalang napalitan ng pait yung nararamdaman ko ngayon. Para akong tinapunan ng Nuclear Bomb sa narinig ko. Lahat yata ng mainit na tubig ay ibinuhos sa'kin at ganito nalang yung nararamdaman ko. Parang lubid na pinipilipit yung puso ko.

Gusto kong matawa sa narinig ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa! Para akong istatwa dito at hindi makagalaw. Parang isang rebulto pero ang kaibahan lang may bumubuhos na luha sa mga mata ko. Sa rebulto wala! Pawang nakatayo lamang ito at hindi gumagalaw at hindi nagsasalita. Lalong lalo na hindi nasasaktan katulad ng nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sa puso. Shit lang!

Ito pala ang napapala ng pagigiging chismosa. Minsan may maganda kang naririnig pero minsan masasakit din.

Kung ganito lang rin naman pala yung maririnig ko edi sana hindi nalang ako nakinig sa pag-uusap nila. Sana hindi ko nalaman yung totoo. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana hindi ako umiiyak habang nakatayo sa hagdan na para akong isang kawawang sisiw.

"S-SM?" rinig kong tawag sakin ni Bakla. Hindi ako kumibo at tiningnan lamang siya. Lumapit siya sa'kin.

"H-Huwag. Huwag kang lalapit Bakla." sabi ko sa kanya. Kaya ko pa palang magsalita. Akala ko napipi nako. Akala ko naputol na yung dila ko.

"SM."

"H-huwag kang lalapit." pigil ko sa kanya. Dahil paglumapit siya baka hindi ko makayanan at magcollapse nalang ako dito bigla. Ayokong mangyari yun. Ayoko.

"SM kung ano man yung narinig mo h--"

"T-Tanggap ko." I said.

Tanggap ko. Talagang tanggap ko kung bakit nangyayari ito. Tanggap ko kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Iniwan ko siya diba? Iniwan ko siya sa babaeng iyon. So I have no reason na magreact ng ganito because in the first place ako ang nang-iwan at hindi siya. Ako ang lumayo at hindi siya. Kaya dapat hindi ako nagkakaganito. Dapat maging masaya ako kasi happy family na sila. Pero pakshit! Bakit ang hirap gawin? Bakit ang hirap maging masaya para sa kanilang dalawa? Bakit ang sakit isipin na may mahal na siyang iba? Ang sakit eh kung alam niyo lang. Kukunin ko na siya eh pero tapos biglang ganito? Malalaman kong magkakaanak na pala sila? Kaya ba sila magpapakasal?

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon