Chapter 9

4.7K 125 0
                                    

++++++

Kakapkapin

Sobrang saya ng mga kapatid ko ng inaya ko silang lumabas at pumunta dito sa mall. Gusto ko lang kasi na magbonding kami kahit papaano. Matagal narin kasi simula noong lumabas kaming apat at kasama pa namin noon si Nanay.

Napailing ako ng maalala ko naman siya. I sighed. Imbes na isipin iyon ay ibinaling ko nalang ang paningin ko kay Tatay na kasalukuyang nakakunot ang noo.

"Okay ka lang Tay?"

"Okay lang. Nasaan na ang mga kapatid mo?"

"Huh?"

Oo nga noh?! Saan na nga pala ang dalawang iyon? Hindi man lang nagpaalam sa amin ni Tatay at bigla nalang nawala! Makakatikim talaga sa'kin ang mga pasaway na iyon! Naku!

"O, andiyan lang pala sila eh!"

Nabaling ang tingin ko sa itinuro ni Tatay. At ayun! Ang dalawa kong kapatid na nagtatalo kung sino ang magdadala ng mga groceries.

"Ikaw na kasi magdala! Sayang naman ang mga pa-muscles mo kuno kung hindi mo bibitbitin yan!"
Napailing ako sa sinabi ni Yanyan.

"Hoy, Karlo bitbitin mo na! Kalalaki mong tao eh," sabat ko nang makalapit ako sa kanila. Bumusangot naman iyong mukha ng kapatid kong ito.

"Blee," panunukso ni Yanyan dito kaya binatukan ko siya.

"Aray ate!"

"Mang-aasar ka pa kasi eh," wika ko.

Nagtuksuan pa ang dalawa hanggang sa makarating kami ng Mang Inasal para kumain ng tanghalian.

"Ate oh si Karlo!" wika ng pikon kong kapatid na si Yanyan. Ang lakas makipag-asaran sa kapatid pero magsusumbong lang pala sa'kin.

"Tigilan niyo na nga 'yan. Para kayong mga bata!" saway ko.

"Karlo tama na," saway ni Tatay ng makita itong inaasar parin si Yanyan. Hindi na talaga sila nadala. Ilang beses ng pinagsabihan pero ayaw paring tumigil.

"Order lang ako," sabi ko sabay alis sa harapan nila.

"Ate iyong unli rice ha!" pahabol na sabi ni Karlo.

"Okay."

Alam ko naman na iyon ang oorderin nila. Ang tatakaw kaya ng pamilya ko! Syempre kasama na'ko don.

"Ano pong order niyo ma'am?"

Sinabi ko ang order ko at habang naghihintay ay napatingin ako sa taong nasa gilid ko. Kung makatingin kasi sa akin ay parang may malaking atraso ako sa kanya. Kulang nalang ay bitayin niya ako ng buhay.

Napailing ako. Baka gano'n lang talaga siya tumingin at na misinterpret ko iyong mga tingin niya. Diba? I don't know him, so, maybe that's his mannerism.

"Here's your change Ma'am at ito po ang number niyo," the girl said while grinning.

Nang makuha ko ang sukli ko ay nakita ko kung paano magtinginan ang lalaking nasa tabi ko at babaeng ito. I find it weird pero hindi ko nalang pinansin.

Mabilis akong umalis sa harap ng cashier at tinungo ang lamesa namin. Nilagay ko iyong number sa gitna at napabuntong hininga ng malalim. Hindi mawala sa isip ko ang tinginang iyon. Para kasing may binabalak sila? I don't know! Shit! Nasa danger ba ako ngayon? Double shit kasi kasama ko ang pamilya ko!

"Okay kalang ba ate?" tanong ni Yanyan na siyang katabi ko. Tumango ako kahit na hindi naman ako okay.

Siguro napaparanoid lang ako. Siguro pakiramdam ko ay mayroon silang binabalak sa'kin dahil iyon na ang nakarehistro sa isip ko.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon