Chapter 36

3.1K 93 1
                                    

*****

"Nak kailangan mo daw tumira doon."

"Nay. Ayoko. Alam ko andoon siya kaya ayoko."

Kanina pa nila ako pinipilit at kanina pa kami nagsisigawan dito. Pati sina Yanyan at Karlo ay nakikisali na rin.

"Ate sige na."

Todo iling naman ako. Basta ayoko talaga. Paano ako makakapagmove on kung araw araw ko siyang makikita? Psh. Ayoko nga. Masakit eh.

"Papatayin kami ni S pag hindi ka tumira doon." sabi ni Tatay. Napahinto naman ako sa pag-inom ng tubig.

"Seryoso?" I can't believe this. Kaya niyang gawin iyon? Ghad!

"Kakausapin ko siya kung ganun." sabi ko at inilapag yung basong hawak ko sa lamesa.

"Hindi makikinig sayo yun." sabi ni Nanay.

Sa sobrang inis ko ay ginulo ko yung buhok ko. Urgh. Nakakainis talaga!

"Fine! Para sa inyo!" sigaw ko at padabog na pumasok sa kwarto ko. Napipilitang kinuha ko ang mga damit ko sa kabinet at inilagay iyon sa bag. Wala kaming maleta kaya bag ang kinuha ko. Ngayon na daw kasi ako lilipat sabi nila. Hindi daw pwedi bukas o sa susunod na araw. Tsk. Demanding grabi!

Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na ako ng kwarto. At nakakapeste lang kung sino iyong nabungaran ko. Urgh! Seriously? Gusto niya ba akong patayin sa sobrang sakit? Nakangiti pa ang shitzu!

Padabog akong lumapit kina Nanay at nagpaalam sa kanila. Dadalaw din naman sila sakin doon. Thanks god! Baka mabuang ako doon dahil kasama ko itong lalaking ito.

"Lets go." he said. Tinalikuran ko lang at naunang lumabas ng condominium. Nagulat pa ko kasi ang daming mga Zombie sa labas. Tsk. Nandito na naman sila. Hindi ba uso sa kanila ang iminimize ang paglalagay ng pulbo? Nakakatakot kasi silang tignan eh.

"Your bag Ma'am." sabi ng leader nila. Ibinigay ko naman sa kanya ito.

"Magirl."

Urgh! Heto na naman yung puso ko nag-aalburuto. Hindi ko siya nilingon at mabilis na naglakad. Iginaya nila ako sa isang kotse na hindi ko alam kung kanino. Sana naman hindi ito sa kanya. How I wish. Pero sa kasamaang palad hindi na grant yung wish ko dahil pumasok sa driverseat ang Zenberg na ito.

Tinry kong buksan yung pinto ng sasakyan pero hindi mabuksan. Locked! Urgh.

"Polkadots." hindi ko siya pinansin at nagbingibingihan nalang ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at pinaandar nalang yung sasakyan. Tahimik lang ako buong byahe. Ni hindi ako tumitingin sa kanya o lumilingon man lang. Sa labas lang yung paningin ko buong byahe.

Hours later ay nakarating narin kami sa malaking bahay na ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nagpasalamat ako.

"Thanks K-kuya."

Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang nakatalikod sa kanya. As if naman na gagawin ko iyon pagkaharap ko siya. Never.

"Welcome to our house Dear." sabi ng Mama ko daw. Parang wala lang sa kanya iyong nangyayari. Tsk. Sinalubong ko siya ng yakap pero sa totoo lang labag iyon sa kalooban ko. I hate her but I'm not angry with her.

I hate her kasi pareho niya kaming ipinanganak ni Zenberg. Sana iba nalang ang naging ina ko o ina niya edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Tanggap ko naman SANA si S eh kaso iyon nga.

"Thanks Ma." Urgh. Parang gusto kong masuka sa pagtawag sa kanya ng Ma. Aish.

"The feeling is mutual dear. I hate you too at gusto ko ring masuka sa pagtawag mo sa'kin ng Ma." she said. Nagulat ako sa inasta niya. What the? Hindi talaga ako makapaniwala na Ina ko siya. Swear!

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon