Chapter 34

3.3K 102 1
                                    

+++++

Weeks had passed at heto pagaling na iyong sugat ko. Ilang araw din akong nakahilata sa kama at todo bantay naman sila. Marami kasing umaaligid na you know! Bad creatures. Pero hindi naman sila makalapit, ewan ko nga ba kung bakit. Hanggang pagmamatyag lang sa malayo ang ginagawa nila.

Tulad nalang ngayon, may nakatingin sa amin sa malayo na isang lalaki na nakatayo sa labas ng Restaurant na kinakainan naming walo. Nagkayayaan kasing kumain sa labas kaya nandito kami. At sabi pa nila walang mangyayaring masama sa akin pag kumpleto sila. So, pagkulang pala deadbol na? Ganun? Tsk.

"Sunny huwag mo ngang tignan. Napaghahalataan kang alam mo kung ano yung motibo niya." sita sakin ni Justine. Mabilis ko namang inilihis yung paningin ko at sinunod yung sinabi niya. Makatingin kasi sakin wagas eh kaya ayun tinitingnan ko rin siya ng masama para fair. Hmmp.

"Don't mind him. Ang isipin mo kung paano kayo magkakabati niyang tao sa harapan mo." bulong sakin ni Bakla. Siniko ko naman siya.

"Ouch." daing niya.

"Tumahimik ka. Kumukuha pa ako ng tiyempo. Ang laking pakipot rin kasi eh." Bulong ko rin sa kanya. Napailing naman ito. Hay.

Mula no'ng araw na iyon ay hindi pa kami nagpapansinan na dalawa. Galit pa rin siya sakin hanggang ngayon or nagtatampo. Hindi ko alam. Sa tuwing magtatangka akong magsasalita ay umiiwas siya kaya hindi ko natutuloy yung sasabihin ko.

Naisip ko, ganun ba kasakit yung sinabi ko at ganun nalang siya makaiwas sakin? Ang babaw naman niya! Sana hinayaan niya naman akong huminge ng sorry. Hindi yung iniiwasan niya ako ng ganito. Nakakasakit kasi siya ng damdamin.

"Mukhang kailangan na nating umalis ah. Hindi yata tayo welcome dito." sabi ni Ryan. Napatingin naman ako sa paligid. Mukha ngang hindi kami invited. Siomai! Ang dami nila! Goodness! Napatayo na kaming lahat.

May nakapalibot lang naman kasi saamin na hindi ko alam kung mga tao ba ito o multo. Ghad! Uso ba sa kanila ang pulbo?! Ba't ang puputi nilang lahat? Anong meron? Halloween Party?

"Sunny." tawag ni Sab sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Kay Jeth." sabi nito,.tiningnan ko naman si Zenberg. At napakaseryoso lang naman ng mukha nito habang nakatingin sakin.

"Come." he said at hinawakan yung kamay ko at hinigit papunta sa tabi niya. Napasinghap naman ako. Goodness! Hawak kamay ha?

"Shit! Park doon ka! Huwag kang tumabi sa'kin." sigaw ni Darryll. Kung wala lang siguro kami sa sitwasyong ito panigurado ay matatawa na ako sa mukha ni Ryan pero hindi ko magawang tumawa eh. Kinakabahan ako kung alam niyo lang. Mahigpit kong hinawakan yung kamay ni Zenberg. Alam kong napakalamig ng kamay ko pero wala akong paki! Natatakot ako sa maaaring mangyari.

"Hush." he whispered. Huminga ako ng malalim. Ho!

"Anong kailangan niyo?!" Mataray na tanong ni Bakla.

"Si JAZ and that girl." sabi ng leader nila na nakabarong habang nakatingin sa aming dalawa ni Zenberg. Tsk. Mukhang Zombie siya sa paningin ko. Swear! At sinong JAZ yung tinutukoy niya? Wala naman dito yung JAZ eh! Nasa California kasama si Reggie!

"Mom." rinig kong sabi ni Zenberg. Mom? Mama niya?

"Hindi gulo hanap namin. Inutusan lang kami ni S." sabi ng lalaking naka shades na katabi ng leader nila, I think.

Bigla namang sumeryoso ang mga mukha nilang lahat. Nakakatakot silang tignan parang anytime gusto nilang pumatay ng tao.

"Sasama kami." they said all in chorus except me and Zenberg.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon