++++++
Yhancy Pov
"Nasaan ate mo?" Tanong ni Tatay sakin.
"Sa kwarto. Umiiyak na naman po." Sabi ko.
"Bantayan niyo muna siya baka saktan na naman no'n ang sarili niya. Alis muna ako." Tumango ako sa sinabi ni Tatay. Hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon. Tama na ang isang beses na hinayaan namin siyang saktan niya iyong sarili niya.
Nasasaktan siya ngayon dahil ito yung araw na nawala iyong kaibigan niya. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit namatay ito. Alam naman ng lahat na hindi niya sinasadya iyon pero ito ayaw niyang paawat. Siya daw yung may kasalanan. Siya daw yung pumatay. Tsk. Naiinis ako sa kanya pag sinasabi niya iyon sa sarili niya. Ang sarap niyang batukan kung alam niyo lang.
Pumunta ako sa tapat ng kwarto niya kakatok na sana ako ng marinig kong tinawag ni Karlo yung pangalan ko. Ano na naman kaya kailangan ng baliw na to. "Bakit?"
"Hayaan mo na si ate diyan." Sabi niya.
"Titingnan lang eh." Sabi ko at tsaka kumatok. Nakita ko namang napailing siya sa ginawa ko.
"Ate"
Kumatok ulit ako pero walang may sumasagot sa loob. Napatingin ako kay Karlo na ngayo'y nakakunot ang noo. "Walang may sumasagot." Sabi ko sa kanya. At ngayon lumapit na siya sakin at siya naman iyong kumatok.
"Ate Sunny." Tawag niya pero walang may sumasagot talaga. Ilang beses na naming kinakatok pero wala paring may sumasagot kaya nagsimula na kaming kabahan.
"Kunin mo iyong Susi." Sabi ni Karlo kaya nagmadali rin akong kunin ito. Buti nalang may duplicate key ako. Naku kung wala! Aish.
"Ito." Dali dali namang binuksan ni Karlo iyong pinto at pagbukas namin. Walang ate Sunny kaming nakita. Not this time please!
"Pakshit! Wala siya dito!" Sigaw ni Karlo sabay sabunot sa buhok niya. Siguro ay nag aalala narin ito kay ate Sunny. Tinawagan ko si Tatay pero hindi niya sinasagot iyong tawag ko. Naka silent siguro o hindi kaya talagang sinadya niyang hindi sagutin para hindi siya maistorbo.
"Hindi sinasagot ni Tatay ang cellphone niya." Sabi ko sa kanya.
"Hahanapin ko siya. Mahirap na baka kung anong mangyari sa kanya. Lalo pa't maraming gustong pumatay sa kanya." Tumango ako sa kanya. Mabuti pa nga kung ganun. Marami pa namang toso ngayon. Mga gahaman sa pera at mga gahaman sa kapangyarihan. Tsk. Pathetic right? kaya nila ito ginagawa dahil gusto nilang makuha ang mga ito.
"Ako din. Tatawagan ko lang muna iyong mga kaibigan niya. Sige na." Sabi ko at agad naman siyang umalis.
Tinawagan ko muna si ate Sab pero sa kasamaang palad cannot be reach ang phone niya. Napamura nalang ako. Bakit hindi namin sila ngayon makontak?! Tsk. Kung kailan kailangan namin ang tulong nila hindi pa namin sila maasahan.
The number you have dialed--
"Aish. Sino ba pweding tawagan!"
Reggie
"Oo tama!"
Sinubukan kong tawagan si Sir Reggie pero wala din. Maya maya lang may narinig akong may tumutunog. Hinanap ko iyon sa loob ng kwarto at nakita ko yung cellphone ni ate. May tumatawag dito kaya sinagot ko.
"Hello sino to?"
"Yhancy?"
"Kuya Mike?"
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...