+++++
Sunny Pov
Nagising ako dahil sa ilaw na tumatama sa mukha ko. Agad kong nilibot yung paningin ko at hindi na ako nagtaka kung bakit wala ako sa kwarto namin ni Sab, kundi sa kwarto ni Zenberg. Bumangon ako at pumunta ng CR para maghilamos at magmumog. Pagkatapos kong gawin iyon ay lumabas na ako, pumunta sa kwarto namin ni Sab para maligo.
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita si Sab na tinulak si Kenneth. Gusto kong matawa sa ginawa niya dahil akala niya siguro hindi ko nakita ang paghahalikan nilang dalawa. At ang epic ng mukha ni Kenneth parang binagsakan ng langit at lupa ng tinulak siya ni Sab dahilan para mapaupo siya sa sahig.
"Pffft. Sige lang, kunyari wala akong nakita." sabi ko at tuloy tuloy na pumasok sa CR. No need to bring towel kasi meron din namang nakareserve dito. Ito nalang muna ang gagamitin ko ayoko kasing maistorbo pa yung dalawa.
Narinig ko pa yung sigawan nila at malakas na pagsara ng pinto. Siguro umalis silang dalawa. Kinuha ko muna yung towel sa cabinet malapit sa nilalagyan ng mga shampoo at sabon.
Nagsimula akong maligo at narinig kong bumukas na naman yung pinto ng room namin. Hindi ko nalang pinansin iyon dahil alam ko namang si Sab lang iyon at wala ng iba pa. Nagpatuloy ako sa pagligo at maya maya lang may narinig akong kumatok sa pinto ng CR.
"Sab? May kailangan ka?" tanong ko pero hindi naman iti sumagot. Kinuha ko yung towel at tinampi iyon sa katawan ko at lumapit sa pinto. Binuksan ko iyon at napaatras ako bigla sa sobrang gulat.
"Juiceko!" utal ko sabay hawak sa dibdib ko.
"Hi" bati ng isang bata sa akin. Kanino namang anak ito? At paano siya nakapunta dito? At nabuksan niya ang pinto sa liit niyang ito?
Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa. Ngumite muna ako bago magsalita.
"Anong ginagawa mo dito baby? At sinong mga magulang mo?" I asked pero nagpout lang ito. Ay peste! Bakit ang cute ng batang ito?
"I was lost." he said. Oh?
"Umm okay. Baby wait me here ha. Huwag kang lalabas maliligo lang ako." I said at pinaupo muna siya sa kama. Mamaya ko na tatanungin kung sino ang mga magulang niya.
"Okay." masigla sabi niya. Nilock ko muna yung pinto bago pumasok ng CR. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil nag-aalala ako sa bata baka hinahanap na siya ng mga magulang niya.
45 minutes had passed natapos rin ako. Nilapitan ko yung bata at gaya ng sabi ko kanina nakaupo parin siya sa kama. Ginulo ko yung buhok niya.
"Come Baby. By the way what's your name?" sabi ko habang papalabas kami ng kwarto.
"Ren po." iyon lang ang sinabi niya. Tumango tango naman ako.
"Sino yung mga magulang mo para mabalik na kita sa kanila." I said at ramdam ko ang pagpisil niya niya sa kamay ko. Tiningnan ko naman siya.
"Bakit baby?"
"Eh kasi po tinataguan ko si Mama." he said. Napakunot naman yung noo ko.
"Tinataguan?" confused na tanong ko.
"Opo. Kasi po hinahanap ko po si Daddy pero ayaw niya po akong payagan. That's why nagtago po ako." natawa ako sa sinabi niya. Bata nga.
"So ayaw mo munang ibalik kita sa Mommy mo?" tumango ito.
"Eh saan mo gustong pumunta ngayon?" tanong ko.
"Find daddy." masiglang sabi nito. Hindi ko mapigipang kurutin yung kaliwang pisnge niya. Ang cute!
"Cute mo talaga! Ano ba ang pangalan ng Daddy mo?"
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...