Chapter 39

2.9K 89 0
                                    

++++++

"SM okay ka lang? Sigurado ka na ba? Oh well kung hindi ka sigurado wala ka pa rin namang choice kundi ang sumama sakin kasi kikidnapin pa rin naman kita kaso kusa ka nang sumama." Hindi ko siya pinapansin kanina pa at hinayaan ko lang siyang magsalita d'yan sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa eroplanong dalawa, kami lang mismo ang pasahero at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Hindi ko rin alam kung saan niya kinuha yung perang ginastos para dito, kung paano niya naayos ang passport ko at ang iba pang mga papeles ko na nakakailanganin ko. Siguro sa Ama ko. Ewan. Hindi ko rin alam. Gusto ko siyang tanungin kaso wala akong samood makipag-usap sa kanya.

Ang iniisip ko ngayon yung mga taong maiiwan ko sa Pilipinas. Yung pamilya ko na walang kaalam alam na aalis ako at pupunta ng ibang bansa. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila ng maayos. Kahit ni Bye ay wala. Sana naman hindi sila magalit sa'kin. Lalo na sila Nanay at Tatay. Sana maintindihan nila kung bakit ako lumayo at umalis. Dahil ako naiintindihan ko kung bakit nila ginagawa ang lahat ng ito, kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon. Alam ko na lahat. Sinabi sakin ni Philip ang lahat ng nalalaman niya at pinadala siya ng Ama ko dito para tumulong.

Namimisinterpret nga lang ng lahat ang motibo niya kahit nga ako noon namisinterpret ko din. Tsaka ko na aayusin ang lahat pagnatapos na nila ang dapat nilang gawin. Alam ko namang ako lang ang sagabal sa ginagawa nila. At tsaka ko narin aagawin si Zenberg pagnakamit niya na ang gusto niyang makamit. Gusto ko muna siyang layuan nang saganon magawa niya ang dapat niyang gawin. At isa pa hindi ko talaga kayang makita silang ganun. Ganoon ka-sweet at magkahawakan ng kamay parang meron silang nararamdaman para sa isa't isa. At ayokong magpanggap sa harapan nilang dalawa baka masabunutan ko ng wala sa oras si Mrie at masabi ko sa kanya ang lahat. Mahirap na, masira pa iyong plano nila.

At kahapon ko lang din narealize yung katangahang ginawa ko. Kung hindi ko pa nalaman ang lahat kay Philip ay hindi ko pa malalaman ang kagagahan ko. Talagang tinawanan ko pa si Zenberg sa sinabi niya na sa katunayan nga ay totoo lahat nang sinasabi nito sa'kin na hindi kami magkapatid. Muntik ko na nga siyang sugurin kahapon kung hindi lang ako pinigilan ni Philip. Ang gaga ko talaga. Swear!

"SM okay ka lang?" tanong nito. Tiningnan ko siya at mabilis na tumango.

"Naisip ko lang kapag nagpaalam kaya ako sa kanila? Sa tingin mo papayagan nila ako?" I asked. I'm just curious. Pipigilan kaya nila ako sa gagawin kong ito?

"Gaga. Syempre hindi! Kaya nga kita pinigilan eh kasi baka hindi ka makasama sakin." I just rolled my eyes to him. Psh. Edi siya na yung tama.

"By the way saan pala tayo pupunta?" tanong ko. Wala man lang kasi akong alam kung saan ang destinasyon naming dalawa. Sinabi nga niya lahat maliban nalang sa pupuntahan namin. Pasuspense pa kasi eh.

"In Singapore." he said. Napabuntong hininga ako. This is it! Ito na talaga, aalis na ko at makikita ko narin sa wakas iyong Ama ko. Ang Ama ko na matagal ko ng gustong makita. Naisip ko, ano kaya ugali nito? Katulad din ba siya ni S na medyo weird at nakakatakot iyong aura? Hay. Sana hindi ito ganoon ka seryoso nang saganun ay hindi maging boring yung life ko doon sa Singapore.

Maya-maya lang ay naramdaman kong lumipad na yung eroplanong sinasakyan namin. Kinakabahan ako na ewan dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Feeling ko may magaganap na masama sa pag-alis kong ito pero wala ng atrasan ito. Aalis ako para sa sarili ko at babawi nalang ako sa kanila pag naging maayos na ang lahat.

****

Michael Pov

"Nakita niyo ba si Sunny?" tanong ni Insan sakin. Nagkibit balikat ako. Kanina ko pa nga ito hinahanap pero hindi ko rin ito makita.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon