Chapter 31

3.4K 108 2
                                    

+++++

"Umm...Aray." sakit ng ulo ko grabi. Pakiramdam ko ilang case ng redhorse yung ininom ko kanina. Aish.

"Polkadots." luminga linga ako kahit masakit yung ulo ko. At nakita ko lang naman si Zenberg na nakatayo sa gilid ng pinto.

Napakunot yung noo ko na nagtataka. Ang pagkakaalam ko kasi yung kakambal no'ng JAZ na iyon ang kasama ko. Paanong si Zenberg na ang nandito?

"Aw.." daing ko sabay hawak sa ulo ko. Shit lang ang sakit. Ano ba kasi yung itinurok ng lalaking iyon eh. Kainis!

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong niya. Wow! Concern si Zenberg! Maka arte nga.

"Aw... Ang sakit Zenberg. Dito oh." arte ko sabay hawak sa ulo ko. Hinawakan niya naman iyon at hinimas himas. At peste lang parang pinagsisihan ko na yung pag arte ko. Kasi naman eh, feeling ko nakukuryente ako.

"Umm.. A-ano okay na pala." bawi ko.

Shit! Puso tumigil ka! Sasabunutan na talaga kita! Swear! Palagi ka nalang nag-aalburuto d'yan.

"Here. Inumin mo to para mawala iyong sakit." kinuha ko naman yung tableta na ibinigay niya at agad na ininom iyon. Binigyan niya naman ako ng tubig. Hmm. Boyscout.

"S-salamat."

Hay. Infernes medyo nawawala yung hilo ko sa gamot na ibinigay niya. Parang unti-unting bumabalik yung linaw ng paningin ko.

"You're not welcome." tiningnan ko siya ng masama at tsaka inirapan. Hmmp. Ang sama niya talaga kahit kailan! Bad Zenberg.

"Siya nga pala. Diba ano... Si ano JAE pala?"

"Pinatay ko."

"Seryoso?!" sigaw ko. Nakakagulat kasi ni hindi man lang nagpasintabi sa sinabi niya talagang deri-deritso at walang preno. Goodness! Pinatay agad? Agad-agad hindi ba pweding binugbog lang? Ang brutal ng lalaking ito ha.

"Tsk. Can you please lower down your voice?" may pagkainis na sabi niya. Nagpeace sign naman ako at tsaka ngumite.

"Hehe. Sarrie. Pero seryoso pinatay mo talaga?" tanong ko ulit. Hindi ako makapaniwala.

"Yeah. He touched you... So, I killed him." napanganga nalang ako sa sinabi niya. Anak ng tupa siya! Hinawakan lang ako pinatay na niya agad? Seriously baliw ba itong lalaking ito?

"Nababaliw ka na ba ha?! Pinatay mo agad siya? Eh hindi niya naman ako sinaktan ah?!" singhal ko sa kanya. Pero sumeryoso lang yung mukha niya.

"Hindi ka nga niya sasaktan pero ilalayo ka naman." sabi niya at tsaka tumayo. Hindi na ako nagsalita pa at sinundan nalang siya ng tingin hanggang sa makalabas nang silid. Napabuntong hininga nalang ako.

So, may balak pala silang ilayo ako sa kanila? Iyon ba ang motibo nila? Para ano? Masaktan ako iyon ba? How pathetic! Iyon ba ang ibig sabihin ni Louie kanina na ako ang puntirya nila? Na hindi nila ako papatayin pero ilalayo naman ako sa kanila? Ghad!

"Sino ba kasi sila eh. Ang hirap namang manghula oh!" I murmured sabay tapon ng unan sa harapan ko. Naiinis ako!

*****

Ilang araw na akong nakakulong dito sa tagong bahay ni Zenberg. At sa ilang araw na pamamalagi ko dito ay nakakabagot na. Alam niyo yung feeling na grounded ka pero hindi naman. Gusto ko na ngang lumabas eh kaso ayaw naman akong payagan ni Zenberg. Sa tuwing magtatangka akong tatakas ay nalalaman niya naman agad kaya ayun balik bahay ulit ako. Naiinis na nga ako eh, lalong nahuhulog yung loob ko sa kanya. Ang bwisit na iyon kasi palagi nalang akong binabanatan nang mga kung ano anong mga salita. Itong puso ko naman konting ngiti lang ng lalaking iyon kumikemi na!

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon