Chapter 55

3.2K 104 4
                                    

+++++

Ilang araw din kaming hindi nagkikita at ilang araw na din akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Ayokong lumabas dahil baka makita ko lang siya, silang lahat. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa takbo ng buhay ko. Ayaw talaga akong payagan ng tadhana na maging masaya. Ang gusto ko lang naman ay maging maayos na ang lahat including us ni Zenberg pero wala eh, ayaw talaga.

And now I am standing in front of the mirror, tinitingnan ang sarili ko kung bakit ang malas ko. Hindi ko masasabing malas sa lahat ng bagay pero sa pag-ibig, iyon, doon ako pinakamalas. Na ang tipong minsan ka na ngalang magmahal ay hindi pa matupad. Ang saklap ano? Hay. Buti pa 'yong mga taong nasa paligid ko, kahit hindi ko man sila gaano kakilala pero masasabi ko talagang biniyayaan sila ng diyos ng taong magiging kabiyak nila, ng taong magmamahal sa kanila habambuhay.

Ngayon, makikita ko na naman siya. Hindi na talaga ako makakatakas kasi inimbita sila ni Ba na magdinner dito ngayon. Hindi ko alam kung para saan, siguro peace offering niya sa lahat? Dahil sa mga kasalanang ginawa niya sa kanila. I don't know. But I don't mind kasi wala narin naman ako doon. I already accomplished my mission, ang pagbatiin silang lahat. And I am so happy kasi wala ng gulong magaganap. I hope so...

"SM!" tawag ni Bakla but I didn't bother to open the door.

Nandito pa ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nag-aayos. Just a simple dress lang ang suot ko na hindi masyadong bongga, plain lang na bagay sa akin.

Kanina pa ako nakaharap dito sa salamin at kanina pa rin nila ako tinatawag lalo na si Philip. Nakailang katok na siya sa pinto pero hindi ko binubuksan, bahala sila d'yan. Kanina pa raw kasi sila dumating, 'yong mga taong ininvite ni Ba at andoon lahat sila sa dining.

"SM, lumabas kana!" sigaw ni Bakla. Bumuntong hininga ako ng ilang beses bago umalis sa kinatatayuan ko at tinungo ang pinto, pinagbuksan ko siya. Imbes na batiin ay nilampasan ko lang ito. Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon para pansinin siya, wala akong samood.

"SM pansinin mo naman ako," he said pero deadma parin ako.

Deri-deritso lang ang pagpunta ko sa dining hall at walang pagdadalawang isip na umupo sa tabi ni Ba. Tahimik silang lahat and I don't care kasi hindi rin naman ako nagsasalita. Ni hindi ko nga sila matapunan ng tingin na lahat. Ni hindi ko nga alam kung sino ang mga kasama ko at katabi ko maliban kay Ba dito sa hapagkainan kasi hindi ko sila tinitingnan. Nakayuko lang ako habang naglalaro sa cellphone ko. In this way, magiging magaan ang loob ko dahil hindi ako makakaramdam ng awkwardness.

"Bab," tawag ni Ba.

"Hmm..." I said without looking at him.

"They are all here to congrats you for your upcoming wedding," he said, I just shrugged.

"Okay. Thanks in advance guys," I said habang nakayuko parin. Alam ko ang bastos ng ginagawa ko pero hindi nila ako masisisi. I'm not in the mood.

"You're not interested, don't you? Hindi ka man lang tumitingin sa amin." Napaangat 'yong tingin ko ng magsalita siya. Oo siya talaga ang nagsalita. Nilibot ko ang paningin ko at nanlalaki 'yong mata ko ng makita ko silang lahat. Pamilya ko, kaibigan ko, si S, Tito Qu, Mrie with Nick, Louie even Reggie was here together with his wife, JAZ, and ofcourse pamilya ni Kennard. Bakit naman sila mawawala diba? They're my soon to be family too.

I sighed ng makitang nakangiti silang lahat sa'kin. Hindi ako makangiti pabalik dahil ayokong magpanggap sa harapan nila na masaya ako, na okay lang ako.

"Hindi..." ikling sagot ko, nakita ko ang pag-iling ng ulo nila. I don't care kung ano man ang sabihin nila, bahala sila.

"Nak, may problema ka ba?" tanong ni Nanay, napasinghap ako kasi dito pa niya talaga tinanong ito.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon