Chapter 26

3.5K 101 2
                                    

++++++

Simula noong araw na yun palagi ko na siyang iniiwasan. At noong araw na yun puro sermon ang natanggap ko kina Yhancy at Karlo. Pati narin si Bakla. Parang mga Nanay at Tatay ko noh? Daig pa nila si Tatay. Eh yun nga hindi ako pinagalitan, pero sila. Hay. Anyways, hindi ko naman sila masisisi kasi pinag-alala ko sila. At syempre hindi rin naman nila ako masisisi kasi gusto ko lang naman dalawin ang kaibigan ko. Sawa na kasi akong magkulong, sawa na rin akong saktan iyong sarili ko. Kaya naisip ko na pumunta nalang doon sa puntod niya at doon umiyak ng umiyak. Para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero sa kasamaang palad may gumambala sa sakin. And noong araw na iyon kahit papaano ay nakalimutan ko si Munch. Nakalimutan kong sisihin ang sarili ko. And thanks to Zenberg.

Ang kaso iniiwasan ko na siya ngayon. Natatakot kasi ako. At tsaka hindi niya rin naman ako pinapansin eh. So bakit ko rin siya papansinin diba? Quits lang kami hmmmp.

Ngayon mag-isa akong naglalakad papunta sa tambayan. Nagtext na kasi sakin si Bakla na andun na sila. Magpapraktis na naman as usual ano pa nga ba. Pagbukas ko ng pinto, kumunot yung noo ko kasi wala namang tao sa loob.

"Sabi ni bakla andito na sila."

Pumasok nalang ako at hihintayin nalang sila. Siguro may pinuntahan lang. Tinext ko si bakla na andito na ko sa loob. Pero hindi naman siya nagrereply. Hindi naman siguro galit yun dahil sa nangyari. Aish.

"Nasaan na naman kaya yun"

*Open doors*

Napatingin ako sa pinto at ganun nalang lumaki yung mata ko sa nakita ko. Guess what?! Aish. Naku naman.Umayos ako ng upo ng makita siyang papasok. Nakita kong papalapit siya at umupo sa tabi ko. Umusog ako pero umusog din siya. Umusog ulit ako. Umusog din siya. Hanggang sa wala na kong mausugan pa.

Nasanggi niya yung braso ko at napatayo naman agad ako. Para kasing napaso ako. Lalabas nalang kays muna ako at babalik mamaya. Oo tama. Ayokong makasama ang mokong na to ngayon. Nababanas ako sa mukha niya kahit gwapo pa siya.

"Saan ka pupunta?"

Napahinto naman ako at lumingon sa kanya.

"U-uuwi?" Ako sabay turo sa pinto. Okay. Hindi ko na panindigan ang hindi siya pansinin at kausapin.

"May praktis tayo bakit ka uuwi?"

"Oo nga. P-pero wala pa naman sila ah."

Pagkasabi ko no'n lumakad ulit ako papuntang pinto pero nagulat ako ng biglang andun na siya at nilock ito. My goodness. Ito na naman po tayo.

"Padaanin mo ko Zenberg."

"No."

"Isa!"

"Dalawa"-siya.

Urrgghhh. Kainis. Padabog akong bumalik at umupo. Nakita ko namang tumabi siya sakin. Kinuhit niya ko pero hindi ko siya pinansin. Kunwari busy ako sa pagtitext. Ang laki niyang epal. Swear!

"Bakit mo ko iniiwasan?"

Tiningnan ko siya.

"Hindi kita iniiwasan. For what reason ha?"

Pasimple akong tumayo ng hindi siya nakatingin at agad na tumakbo papunta sa pinto. Pero syempre hindi na naman ako nakalabas. Nahawakan niya yung kamay ko eh at hinigit papasok sa loob. Nakalimutan ko na gangster pala ang lalaking ito. Naku naman. Gusto ko ng umalis eh.

"Kung hindi mo ko iniiwasan bakit ka aalis?"

Utak. Utak gumana ka. Ummm. Ano ba.

" Kasi ano. Umm. Uuwi ako. Kasi--"

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon