+++++
If a train doesn't stop at your station, then it's not your train, it's others train that you keep on waiting for a long time.
In short, hindi kayo ang para sa isa't isa. Siguro may ibang tao lang talaga ang nakalaan para sayo. Na yung tipong kahit anong haba ng pagsasama niyo, kahit gaano ito kaikli kung ayaw pahintulutan ng tadhana na maging masaya ka sa piling niya ay kailangan mong tanggapin iyon. Dahil hindi nga kasi kayo ang para sa isa't isa.
You're not destined to be happy, you're not destined to love someone else because you are destined to serve people who are much willing to make you happy everyday. Yung mga taong kahit hindi mo kaano-ano ay nagagawa kang pasayahin sa mga simpleng bagay na kanilang ginagawa para sa iyo. Hindi man sila ang the man of your life but atleast they can teach you how to smile again, teach you how to love in a very kind and special way not in a romantic way.
And I know to myself na hindi ako ang inilaan para kanya dahil kung kami talaga ay sana noong araw na umalis ako ay nahanap niya ako, na kahit anong pagtatago ang gawin ko ay magtatagpo ang landas naming dalawa. But no, hindi nangyari ang mga bagay na iyon instead god brought me here sa lugar kung saan walang gulo, sa lugar kung saan walang baril, walang ensayo at higit sa lahat walang mga taong kumokontrol sa pagkatao mo. Dito sa lugar na ito, ang kailangan mo lang gawin ay maging masaya. Kapag malungkot ka ay malulungkot din sila, dadamayan ka nila.
"Ate Sunny, bakit ang lungkot ng mukha mo?" tanong sa akin ni Rhea, ang batang walang ginawa kundi ang patawanin ako sa araw-araw na ginagawa niya. I smiled to her at pinaupo sa tabi ko.
"May iniisip lang kasi ako." I said to her.
"Iniisip niyo po yung pamilya niyo ate? Namimiss niyo na po sila?"
Tumango ako sa sinabi niya. It's true namimiss ko na nga sila. Matagal na rin ang huli naming pagkikita, I think six months na ata ang lumipas noong araw na tumakas ako.
That time, akala ko katapusan ko na. Akala ko iyon na ang huling hininga ko pero hindi pala. God gave me another chance to live dahil dinalhan niya ako ng taong tutulong sa akin sa mga oras na iyon. Yung mga taong nagsisilbi sa panginoong diyos.
"Bakit ka nga pala nandito? Hindi ka ba hinahanap nila Sisters?" I asked.
Bahay ampunan, the place what I am talking about earlier. Dito ko nakita ang destiny ko, ang destiny na tumulong sa mga batang ito. Sa mga batang walang mga magulang dahil iniwan sila sa lansangan. Ang mga batang walang kamuwang muwang pero ibinanduna ng kanilang mga magulang. Naaawa ako sa kanila dahil hindi nila naranasan magkaroon ng sariling pamilya, yung may matatawag silang Mama at Papa.
Maswerte ako kasi dalawa ang pamilya ko pero sila wala. Minsan napapaisip ako, maswerte ba talaga ako o gawa-gawa lang iyon ng utak ko? I sighed.
"Hehe. Kaya nga po ako andito ate kasi pinapatawag ka nila sa akin." she said.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kurutin ang pisnge niya dahil sa sobrang cute niya, bigla ko tuloy naalala si Baby Ren.
"Ikaw talaga. Tara na." aya ko sa kanya.
Tinungo naming dalawa ang harden kung saan naglalaro ang mga batang inaalagaan ko. Pagkakita nila sa akin ay agad silang nagsitakbuhan sa gawi ko. Natawa nalang ako ng wala sa oras dahil pinalibutan nila ako at niyakap ng mahigpit. Si Rhea nagrereklamo dahil naiipit na raw siya kaya pinagsabihan ko sila.
"Oh mga brad bitaw na naiipit na daw kasi si Rhea." sabi ko na sinunod naman nilang lahat.
"Sorry po." sabi nilang lahat sabay paalam sa akin.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...