+++++
Madilim! Ito yung nakikita ko ngayon sa paligid ko. Bigla nalang kasing namatay iyong ilaw pagkatapos magsalita ng isang babae na sa tingin ko ay nagpasimuno ng party na ito. Lahat nagkakagulo at tila ba parang may hinahanap sila. May naririnig pa akong nagmumura na akala mo wala ng bukas kung makapagmura.
Dito sa pwesto ko ngayon ay tahimik lang ako at hindi gumagalaw. Hinihintay ko kasing magkailaw ulit. Naisip ko kasi na siguro ay naputulan lang sila ng kuryente o hindi kaya nagka short circuit kaya bigla nalang nagkabrown out. Haay. Anyways, bahala sila diyan basta ang importante kumportable ako ngayon dito sa kinauupuan ko.
Maya-maya lang ay bigla nalang akong may naramdaman na tao sa likod ko at ang masaklap pa ay parang kinikiliti ako sa paghawak niya sakin. Ano ba yan! Sino ba tong pontio pilato na ito at kung makahawak sakin ay parang close kami? Gosh.
Kakabigin ko na sana yung kamay niya ng bigla nalang siyang magsalita. "Give me your hand." Bulong niya sakin. Napakunot naman iyong noo ko.
"Z-zenberg?"
"It's me. So please give me your damn hand!" May halong pagkainip at inis na pagkasabi niya. Agad ko namang tinanhay sa kanya ang kamay ko at ewan ko kung nakita niya ba kasi agad niya naman itong nahawakan. And nagulat nalang ako ng bigla niya akong higitin! Muntik pa akong mapasigaw kasi nga may nabangga akong upuan. Ghad! Buti nalang talaga napigilan ko itong bunganga ko. Naku! Ba't kasi namatay pa iyong ilaw eh. Wala tuloy akong makita.
Ano na naman kaya ang pakulo ng tagapasimuno nito. Tsk.
"Damn! Where is she?!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Hindi ko alam kung malapit lang siya sa akin o malayo. And nagtataka ako kung sino iyong hinahanap niya.
"Fuck! I can't see anything."
What the! Natural wala siyang makikita kasi nga madilim. Utak naman ng lalaking iyon. Nagtaka pa siya na wala siyang may nakikita. Tsk.
"Faster! We need to get out of here before the lights on." Rinig kong sabi ni Zenberg. And as he said binilisan ko nga iyong paglalakad. Bakit kasi parang nagmamadali to eh. May appointment ba to.
"Dahan dahan naman sa paglalakad" sabi ko sa kanya pero syempre parang wala lang siyang narinig. And ang nakakainis lang ay mas lalo pa niyang binilisan ang paglakad. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim. Okay? What's with him? Feeling close to ha!
"Faster or I will kiss you again." Takot ko lang mahalikan ulit. Kaya ito binilisan ko yung paglalakad. At nakakainis! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Ghaad! Naalala ko tuloy yung paghalik niya sakin.
"Hop in." Sabi niya sabay punta sa kabilang pinto ng sasakyan niya. At ako? Heto nga-nga! Nakatayo lang sa harapan ng sasakyan niya. Nakita ko naman na bumukas yung window ng car niya and I saw his freakin' face. Nakakunot at hindi ko alam kung kaya pa bang ipinta ito ng mga pintor. Dah! Tagos lang kung makatingin?
"What?!" Sabi ko. Kainis! Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng deristo.
"I said hop in"
I just rolled my eyes to him at pumasok sa sasakyan niya. And pagkapasok ko I heard him cursed. Napailing nalang ako. Ang bastos talaga ng bunganga nito.
"Woah!! Dahan dahan naman!!" Sigaw ko sa kanya. Eh paano ba naman kasi bigla niya nalang pinaharurot iyong sasakyan niya ng napakabilis. Hindi pa kaya ako nakakapagseatbelt! At muntik nang masubsob yung mukha ko sa ginawa niya.
"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay huwag mo kong idamay! Waaahhhh--- walangya ka. Sabi ng dahan-dahan eh!!" Mukhang mawawalan ako ng boses nito sa kasisigaw, ayaw paawat eh. Mas lalo pa niyang binilisan yung pagpapatakbo at shit lang panay naman iyong sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
AcciónWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...