Chapter 48

3.1K 98 4
                                    

++++++

Pagdating namin sa Manila ay agad din kaming nagkanya-kanya. Sina Sab at Justine sabay na umuwi, sina Michael at Kenneth ganoon din. Magkasabay naman na umuwi sina Darryl, Mrie at Baby Ren. Si Zenberg ewan ko kung anong balak nito. Kasi ako naghihintay ng taxi para makauwi, siya naman ay nasa likod ko, nakatayo, bitbit yung mga gamit na dala niya. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay niya o baka siguro naghihintay din katulad ko kasi pareho kaming walang dalang sasakyan.

Nang makakita ako ng taxi cab ay agad kong itinaas yung kamay ko sanhi para huminto ito harapan ko. Binuksan ko ang backseat at akmang ipapasok na sana yung bag ko ng bigla nalang may humigit dito. Naniningkit yung mata kong tiningnan si Zenberg dahil sa ginawa niya. Ang laking gago kasi eh.

"Anong trip mo?" tanong ko habang masama parin ang tingin sa kanya. Nagulat ulit ako ng bigla niya akong higitin papunta sa isang sasakyan, sa likuran ng taxing pinara ko.

"Teka- ano ba!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko kasi malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Tinulak niya lang ako papasok sa loob ng sasakyan, bali sa backseat. Sinarado niya ito ng malakas at nakita ko siyang pumunta sa taxing pinara ko. Kinakausap niya yung driver tapos nakita ko nalang na binigyan niya ito ng pera pagkatapos ay pumasok din, umupo katabi ko.

"Anong trip mo?!" sigaw ko. Nakakainis ang lalaking ito, paano ba naman kasi nginitian niya lang ako. At itong puso ko naman agad din nagreact, pansin ko lang ang O.A nitong heart ko minsan. Tsk.

"May pupuntahan tayo." he just said sabay tingin sa harapan. Napasulyap naman ako doon at napasinghap ako ng makita ko sa salamin kung sino ang magdadrive sa amin.

"T-tay?" mahinang utal ko pero alam kong narinig nila iyon kasi kita ko ang pagngiti ni Tatay sa akin. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Zenberg sa kamay ko. Doon ko lang napansin na nakakuyom na pala ito. Inalis ko yung tingin ko kay Tatay at tinabig ko rin yung kamay ni Zenberg. At nakalimutan kong nilihi pala ito sa bato, ang tigas kasi eh, kinuha ulit iyong kamay ko. This time mahigpit na mahigpit na ang pagkakahawak nito. Hinayaan ko nalang siyang gawin iyon kasi alam ko namang hahawakan at hahawakan niya ulit ito. And wala akong ganang makipagkulitan sa kanya ngayon.

Ang tahimik lang buong byahe, walang may nagsasalita ni isa sa amin. Panay rin ang sulyap ni Tatay sa akin sa salamin, sa uluhan niya, pero hindi ko iyon sinalubong. Ayoko. Natatakot ako kasi baka bigla nalang tumulo yung luha ko. Si Zenberg naman ay panay ang tikhim sa gilid ko pero hindi ko rin siya binabalingan ng tingin. Sa labas lang ang attensiyon ko hanggang sa makarating kami sa pamilyar na bahay. Minsan na akong nakapunta dito at hindi ako nagkamali, bahay nga ito ni S. Ang taong nagkunwanring ina ko, ang taong gumawa ng komplikadong bagay para gumulo ang buhay ko. Ang babaeng walang ginawa kundi ang gumawa ng desisyon na hindi naaayon sa tadhana.

"Anong ginagawa natin dito?" malamig na tanong ko kay Zenberg. Hindi pa kami lumalabas na tatlo sa kotse, tiningnan niya ako bago magsalita.

"Mom wants to talk to you. And also your family." he said. Binigyan ko lang siya ng blankong ekspresyon bago lumabas ng sasakyan.

Kung ito na talaga ang oras para komprontahin sila, then, be it. Siguro this time hindi nako makakatakbo pa kasi sa tingin ko parang pinaghandaan nila ito. They want to see me huh?

"Magirl." tawag sakin ni Zenberg na ngayo'y kasabay ko na sa paglalakad.

Sabay kaming pumasok na dalawa pero hindi ko siya kinakausap o tinatapunan man lang ng tingin. Naiinis kasi ako sa kanya dahil hindi ako prepared sa mangyayari ngayon. Sana sinabihan niya muna ako para naihanda ko ang sarili ko. I'm not yet ready to face them because I'm scared. I'm scared na baka masaktan ulit ako sa sasabihin nila. Natatakot ako baka may kamuhian akong tao pagkatapos ng sasabihin nila and I don't want that to happen pero wala na akong magagawa kasi nandito na ako. Wala ng atrasan pa ito.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon