Chapter 27

3.7K 122 11
                                    

+++++

Sunny Pov

"Sunny Girl."

"Sunny girl pansinin mo naman akitch. Ano bang kasalanan ko at hindi mo ko pinapansin?" Monologue niya.

Deadma lang ako. Sariwa pa rin kasi sakin yung kasalanan niya. Alam mo yun todo iwas na ko sa Zenberg na yun eh.

"Sunny girl Kakanta na tayo mamaya oh. Hindi mo parin ako papansinin? Paano nalang kung pumangit yung pagtugtog ko."

Nangunsensya pa siya. Naku tong baklang to. So, Hinarap ko siya.

"Bakit mo ko pinapunta noong nakaraang araw? Pinagmadali mo pa ko tapos wala naman pala kayo dun. Hmmmp. I hetchu." Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"As far as I remember Sunny girl. Hindi kita tinext o ano man. So paano kita pinapunta?"

So denial lang ang peg? Kinuha ko yung cellphone kong 3310 at pinakita sa kanya yung text niya.

"Oh eh anong tawag mo dito? Toxt??"

Binasa niya naman yung tinext niya habang may pagtataka.

"Sunny girl. hiuuuummmm. ummm"

"Hehe. Sunny tara na tinatawag na tayo. Tayo na daw ang sasalang."-Ryan

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Tinakpan niya kasi yung bibig ni Bakla eh.

"Walangya ka Ryan bang. Ang alat ng kamay mo."-Michael habang hinihigit nina Ryan at Darryll palayo sakin.

So,? Hindi man lang nasagot yung katanungan ko. Great ha. Susunod na sana ako sa kanila ng biglang magsalita si Zenberg sa likod ko.

"Are you Ready??"

"Yeah."-sabay lakad ko.

Im always ready. Kanina ko pa kinalma yung sarili ko.

Nang malapit na ko sa stage. Napahinto ako kasi bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Imbes na hindi ako kinakabahan sa contest. Kinabahan naman ako sa paghawak niya. Aish

"Puso tumigil ka. Umayos ka. Kakanta kapa. Huwag ka munang magpakapagod d'yan."

Natigil ako ng bigla niya kong tanungin.

"Anong binubulong mo d'yan?"

"Huh??"-ako.

Hindi na siya nakapagsalita pa kasi napakaingay na. Marami ng sumisigaw sa mga pangalan namin at sa University Name namin. Pumunta ako sa pwesto ko at ganun din siya.

.
"Go Ssssmmmmmmmm"

"Aaahhhh.. Go AU!! Kaya niyo yan."

"Go Darryll. Love you!! Gwapo mo."

"Go Ryannnnnnn.."

"Aaaaarrrrlllll..Baabbbyyy kooo. Galingan moooo. May kiss ka sakin mamayaa."

Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita. Ewan ko ba parang nainis ako. Aabangan talaga kitang babae ka. Humanda ka sakin mamaya.

Habang tumitingin ako sa mga tao nahagip ng mata ko si Carol. Anong ginagawa niya dito? Binasa ko yung hawak niyang tarpuline.

.
'GO MICKEY KO. FOR THE WIN!!'

Mickey ko? Hahaha. Carol is the bestfriend of Yhancy kaya ko siya kilala. At hindi ko maimagine na may gusto siya kay Michael.

"Tawa mo d'yan? Magsastart na" Sabi sakin Ni Zenberg kaya umayos naman ako. Hindi ko maimagine na si Bakla magkakagirlfriend. Pffft. Naagaw lang ang attensiyon ko ng magsalita na yung MC pagkatapos niya nagsalita rin ako.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon