Chapter 29

3.4K 113 3
                                    

+++++

Dahan-dahan kong hinakbang yung mga paa ko papasok sa isang paraiso. Yeah! Paraiso! Iyon kasi ang pangalan ng lugar. Ewan ko ba kay Zenberg kung bakit niya ako dinala dito. Sabi niya espesyal daw ang lugar na ito sa kanya. Pagpasok ko may nakita akong 'No entry' sign na nakakabit sa isang puno. Akmang tatalikod na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko kaya napaharap ako sa kanya at bigla nalang lumakas yung kabog ng dibdib ko ng makita ko siya. Mula pa kanina ganito na ka grabi ang lakas ng tibok nito. At ngayon hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

"A-ano to?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Lumapit siya sakin at ako naman hindi makagalaw na parang naglue nako dito.

"Ano ba sa tingin mo?" sabi niya habang nakangiti sa harapan ko.Napahawak ako ng mahigpit sa damit ko. Magcoconfess ba siya? Juice colored! Baka himatayin ako dito.

"A-ano Zenberg. Ano. Kasi-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya akong higitin papasok sa lugar na ito. And nakita ko lang naman ang napakagandang mga bulaklak na bumungad sakin pagkapasok ko. Ang gaganda! Harden na puno ng makukulay at iba't ibang bulaklak.

"Ang ganda Zenberg kaso baka kasuhan tayo ng trespassing." sabi ko habang titig na titig sa paligid. May nahagip naman agad yung mata ko na isang bahay. Hindi siya gaanong kalaki para lamang itong resthouse. Napatingin ako sa pinto at may nakasabit din ditong 'No Entry' sign at nakakandado pa.

"You don't need to worry. This is Jaemi's Rest House. Ako ang naglagay ng mga sign na 'yan." he said. Saglit na napatingin ako sa kanya.

"Munch." biglang sambit ko. Kaya pala. Mahilig kasi iyon sa mga bulaklak. "Bakit mo ako dinala dito?"

"To confess to you?" deritsong sabi niya sakin.

"A-ano Zenberg. Baka ano. Baka nabibigla kalang. Oo tama. Haha. Joke lang iyon kanina. " sabi ko at lumakad pero bigla niya akong hinigit pabalik at pinaharap sa kanya. My goodness. Heart tumahimik ka.

"I'm serious Polkadots." he said. Seriously? Totoo? Akala ko Joke lang talaga. Phew! I can't breathe! Ghad! Tiningnan ko siya sa mga mata niya na kahit hindi ako kumportable na tingnan siya.

"Bakit mo ko dinala dito? Bakit dito?" pag-iiba ko. Ayokong mailang sa kanya. As much as possible ayoko talaga.

"Because I want to." Ni walang pasintabing sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako ng laway. Goodness! Hindi ko na talaga carrie to. Gusto ko na talagang tumakbo palayo para makasigaw ng todong todo. Lumapit pa siya lalo sakin at konting konti nalang talaga maghahalikan na kaming dalawa. Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ghad! "Because I like you." sabi niya sabay halik sa lips ko ng mabilid. Nanlalaki yung mata kong napatingin sa kanya. Hindi ako sa halik nagulat kundi sa I like you na sabi niya.

"G-gusto mo--Ako?" Parang naputol yung dila ko at hindi makapagsalita ng maayos. Siya naman ay nakangiti lang sakin. Ang gwapo niya!

"What did you say?" may panunuksong tanong niya habang papalapit sakin. Ako naman ay umatras. "S-sabi ko g-gusto m--wait Zenberg p-pwedi bang huwag kang l-lumapit? Naiilang ako." Imbes na makinig sa sinabi ko ay lumapit pa siya lalo. Ngayon ay wala na akong maatrasan pa. Dahil nakaabot na pala ako dito sa pinto sa kakaatras.

"Z-zenberg s-sabi ko--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng may marinig akong tunog ng kandado. At masyadong assuming lang pala ako dahil binuksan niya lang pala yung pinto ng bahay. Nilampasan niya ako at pumasok sa loob. Naiwan naman akong nakatayo dito. Kung hindi pa niya ako hinigit papasok sa loob ay hindi pa siguro ako nakaalis sa tapat ng pinto. Tiningnan ko siya at hindi ko aakalain na nakatingin rin pala siya sakin.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon