Chapter 18

4.3K 175 7
                                    

+++++

Kenneth's Pov

"Pards nakita ko yung pangungulit mo kay Sunny kanina." sabi ni Darryll habang may ngiting ulol. Tinapunan naman siya ng masakit na tingin ni Jeth. It seems like okay na sila. Nag-away kasi yang dalawang ugok na iyan. We don't know the reason why because they didn't bother to tell us. Kaya hinayaan  nalang namin ni Ryan.

"Ano na bang status niyo huh Pre? Share naman d'yan!" Ryan said.

Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila kasi busy ako sa pagtitext, pagtitext kay Moo ko.

"Masama bang kulitin siya?" Jeth said.

Napailing naman yung dalawang ugok. Tsk.

"Yun naman pala." Sabi pa ni Jeth. Patuloy lang sila sa pag-uusap at ako? I didn't bother to listen anymore. They're talking nonsense. Nagfocus nalang ako sa pagtitext kay Moo.
.
*Vibrate

'Tigilan mo kong bwesit ka.! Moo moo-hin mo mukha mo. Dun ka sa asawa mo.!!'

Sab texted me. Nireplyan ko naman siya.

'Hiwalay na kami ng asawa ko moo.'

Ang totoo niyan wala naman talaga akong asawa eh. Ginawa ko lang yung kwentong yun para maghiwalay kaming dalawa. Aalis kasi kami noon papuntang U.S. And I know na hindi niya ako papayagan kaya ito nalang iyong naisip ko na paraan. Importante kasi iyong pinuntahan namin doon. And we need to secured the safety of her friend, Sunny, that time kaya kami umalis.

At alam ko naman na kung siya ang nasa posisyon ko, namin, ay iyon din ang gagawin niya. She loves Sunny that much. I know her! Kaya ko iyon ginawa.

'Huwag mo na kong guluhin. May boyfriend na ko.!!'

'I know wala kang boyfriend Moo.'

'Meron! Ipakilala ko pa sayo eh'

'Maghihiwalay din kayo.'

Sabi ko. I know it sounds bitter. Eh bitter naman talaga kasi ako! I want her again in my life. Thats all! Babawiin kita Sabrina. Kahit marami kapang boyfriend. Hindi ako susuko sayo.

'I love him and He loves me kaya hindi kami maghihiwalay!'

Hindi nako nagreply pa at itinapon nalang yung Cellphone ko. Uminit yung ulo ko sa text niya. Love ha?! I doubt! Tumayo ako at kumuha ng beer sa refrigerator.

"Sinong katext mo at hindi maipinta yang mukha mo?" Ryan said.

"Sab" sabi ko sabay tungga ko ng beer.

"Bakit ayaw ng makipagbalikan sayo?" Darryll said.

"Yeah. And she told me that she love someone else. Tsk."

Nakita kong napailing sila sa sinabi ko. At nakita ko rin ang pagbuntong hininga ni Ryan. Kaya tinapunan ko siya ng tansan. Ang gago! Para kasing ang laki pa ng problema sakin. Pero syempre nailagan niya.

"Guys nakita ko si Yhancy." Pagsasabi niya. Napakunot yung noo ko.

"When and where?" Darryll asked. Iyon din sana itatanong ko.

"Sa Bacolod nang pumunta kami ni Jeth doon. I saw her together with Sunny sa Mall. I tried to asked her kung anong ugnayan nila sa isa't isa pero wala akong napalang sagot mula sa kanya." He said.

"Gago!!!"-sigaw naming dalawa ni Darryll.

"Wow makagago kayo ha." He said while using his sarcastic tone. Tsk.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon