****
"Sunny girl tama na 'yan." saway sakin ni Bakla. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglagok ng Beer. Gusto kong uminom eh.
"Sunny stop that!" sigaw na sa'kin ni Sab. Tiningnan ko yung paligid ko lahat sila nagsitinginan sa'min. Napailing nalang ako. Ang ingay kasi eh.
"Ngayon lang hayaan niyo kong uminom, ngayon lang." napabuntong hininga naman ang mga ito at pinabayaan akong uminom. Umiinom rin naman sila pero konti lang, hindi katulad sa'kin na nakalimang bote na ng Beer.
"Sakit noh?" biglang sabi ko. Napahinto naman silang tatlo sa pagtungga ng Beer at tiningnan ako ng maigi. Ngumite nalang ako. Para akong tangang nagtatanong sa kanila. Hay. Epekto lang talaga siguro ito ng pagiging brokenhearted. Funny grabi!
"Sunny." tawag nila.
"Haha. G-grabi noh? May girlfriend na. Taray! Hindi man lang sinunod yung 3 month rule ni Popoy at Basha. Haha." sabi ko habang umiiyak sa harapan nila. Hindi sila nagsasalita at nakikinig lang sa mga sinasabi ko.
"Nakapagmove on agad. Samantalang ako. Hahaha. Grabi nakakatawa. *sniff*."
Ang sakit talaga sa puso pagnagmamahal. Nakakabwisit. Bakit kasi nauso pa yang Love Love na iyan eh. Sana hindi nalang nag-exist iyan. Para walang may nasasaktan. Walang may nagmumukhang tanga at walang may umaasa. Sino ba kasing nag-imbento niyan? Pakilala niyo nga sa'kin ng masabunutan ko ng todong-todo. Yung tipong pati anit niya matatanggal sa pagsabunot ko.
"Ano ba kasing nangyari ha? Bakit kayo naghiwalay?" tanong ni Justine. Tiningnan ko siya habang patawatawa pa. Wala nga talaga silang alam. Napailing nalang ako habang tumatawang parang tanga.
"Haha. Kami? Paano naghiwalay? Simple lang. Hindi kami pwedi. Iyon! Yun ang rason kung bakit wala na kami."
Nakita ko yung pagkunot ng mga mukha nila. Hindi ko nalang pinansin kasi medyo nahihilo nako siguro ay may tama na rin ako tapos yung dalawang mata ko gusto ng pumikit, ang bigat ng mga ito. Dami na'rin kasing nainom ko.
"Tsk. Lasing kana." komento ni Sab sakin. Umiling ako.
"Hindiii. Hindi ako lashing. May tama lang. Oo may tama lang ako."
"Tara na umuwi na tayo." aya nilang tatlo.
"Haha. Uuwi na kayo? Tara! Umuwi na tayo!" sabi ko at biglang tumayo.
"Sunny!" sigaw nila ng matumba ako. Ang lampa ko talaga grabi! Tumayo ako kahit nahihilo ako, inalalayan din naman nila akong tatlo. Buti nalang andito sila.
"Shalamat ha. Naku! Love niyo ko noh? Asus!"
"Buhatin mo na." rinig kong sabi ni Sab. Tiningnan ko sila isa-isa habang tinuturo pa.
"Bubuhatin ako? Hindiiii. Kaya kong maglakad."
"Hay. Juiceko!" tiningnan ko yung Baklang ito. Mukhang stress. Problema kaya nito? Magsasalita na sana ako nang bigla nalang akong binuhat ni Justine. Hindi na ako tumutol pa kasi inaantok narin naman ako. Bahala siya kung mabigatan man siya sakin.
****
Michael Pov
Lasing na talaga ang bruhang ito. Nasstress ang feslak ko sa mga pinaggagawa niya. Hay. Nakakainis naman kasing Jeth iyon, naggirlfriend agad. Well, we don't know the reason naman pero alam kung hindi gagawin ni Jeth iyon ng walang dahilan.
"Nay, Tay. Ang sakit ng puso ko. Tayyy!!"
Alam niyo na naman siguro kung sino yung nag-iingay na iyon. Kanina pa iyan habang buhat buhat ni Papa Justine hanggang ngayon nandito sa sasakyan ay maingay pa rin. Pinapatulog na nga namin pero ayaw namang makinig sa'min, kesyo hindi pa raw kasi siya inaantok. Kaya ayan pinabayaan nalang namin siya sa likod kasama si Sab. Siya ang sumaway sa babae na iyan, ang tigas naman kasi ng ulo eh.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...